Korina sa tanong kung tatakbo uli sa 2022 si Mar: Parang wala na talaga siyang plano... | Bandera

Korina sa tanong kung tatakbo uli sa 2022 si Mar: Parang wala na talaga siyang plano…

Ervin Santiago |June 22,2021
facebook
share this

Korina sa tanong kung tatakbo uli sa 2022 si Mar: Parang wala na talaga siyang plano…

Ervin Santiago - June 22, 2021 - 11:27 AM

SINAGOT ni Korina Sanchez ang tanong ng marami kung may plano bang tumakbo uli ang asawa niyang si Mar Roxas sa 2022 presidential at national elections.

Ayon sa veteran broadcast journalist at news anchor, mukhang hindi na raw interesado na sumabak muli sa mundo politika ang dating senador.

Minsan daw, kapag nagkakausap sila nang masinsinan tungkol dito ay sinasabi ng kanyang mister na hindi na raw siya tatakbo sa anumang posisyon.

“I don’t know but, you know, kapag natatanong ko siya, sabi niya talagang hindi, e,” pahayag ni Korina sa panayam ng TV at radio host na si Cristy Fermin sa programang “Cristy Ferminute”.

Patuloy pa niyang kuwento, “Minsan sumagot kami ng isang form, kasi ini-enroll ang mga anak sa online school. So sabi, ‘O, ano ang ilalagay ko rito sa work…occupation?’

“Sabi nya sa akin, ‘Ilagay mo diyan, retired.’ Sabi ko naman, ‘Feeling mo lolo ka, ganu’n?’ Sabi naman niya uli, ‘Semi-retired,’” natatawang chika pa ni Korina.

Feeling ba niya ay talagang wala nang planong bumalik sa pagseserbisyo-publiko ang kanyang mister? “Wala nang plano ‘yan, kasi kung may plano, dapat ngayon pa lang meron na, di ba?

“Kasi it’s just around the corner, it’s less than one year to go? Oktubre, magpa-file na. Parang wala na talaga,” katwiran pa ng award-winning TV host-news anchor.

Ipinagdiinan din niya sa nasabing interview na pwede pa rin naman silang makatulong sa mga nangangailangang Filipino kahit wala na sa politika si Sen. Mar.

“Hindi mo naman kailangan ang position para makatulong sa iba. Kung talagang gusto mong tumulong, isang tao man ‘yan o 100 tao, magagawa’t magagawa mo pa rin,” pahayag pa niya.

“There are so many ways to help. You don’t really need a government position to do that,” sey pa ng host ng “Rated K.”

Kung matatandaan, tatlong beses nang lumaban at natalo sa national elections ang dating senador — taong 2010 nang kumandidato siya sa pagka-vice president pero tinalo ni Makati City Mayor Jejormar Binay.

Tumakbo rin siya noong 2016 sa pagka-presidente pero hindi siya umubra kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Kumandidato uli siyang senador noong 2019 elections pero natalo rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, mukhang ine-enjoy na lang nina Korina at Mar ang kanilang married life sa piling ng kambal nilang anak na sina Pepe at Pilar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending