Kris may hugot ngayong Father's Day: Mahirap daw pantayan yung na-provide ko sa 2 anak ko... Bandera

Kris may hugot ngayong Father’s Day: Mahirap daw pantayan yung na-provide ko sa 2 anak ko…

Ervin Santiago |June 20,2021
share this

Kris may hugot ngayong Father’s Day: Mahirap daw pantayan yung na-provide ko sa 2 anak ko…

Ervin Santiago - June 20, 2021 - 04:37 PM

NAGBIGAY uli ng update ang Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa estado ng kanyang kalusugan ngayong araw. 

Ibinalita ng TV host-actress sa kanyang mga supporters na inulit ang isinagawang ECLIA (Enhanced Chemiluminiscence Immunoassay) antibody test sa kanya.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Kris ang litrato habang kinukunan siya ng dugo para sa second test na gagawin sa kanya para malaman kung meron na siyang antibodies matapos magpaturok ng COVID-19 vaccine.

“Jessica (unang medical staff na nag-assist sa kanya), not Patricia came back to repeat my ECLIA test.

“I didn’t post anything kasi yung 1st blood panel ko wasn’t good (as i said marami kayong problema so my health issues shouldn’t be your concern).

“And i said i’d give you an update kung may antibodies na ko… so i kept quiet & waited because w/ the vaccine i chose mas matagal (and i’m assuming it’s also because of all my underlying health issues) so it took me close to 4 weeks to develop Covid-19 antibodies BUT yes, now i have them,” ang bahagi ng caption ni Kris sa kanyang IG post.

Ibinahagi rin niya sa publiko ang ginawang pagbati sa kanya ng mga anak na sina Joshua at Bimby ngayong Father’s Day. 

“My sons both had the sweetest messages greeting me Happy Father’s Day. 

“Honestly dati it was a source of pride that i managed to do it on my own… but now that i’m older, i realize how much they’ve missed out on- sabi nga diba it takes 2 to tango…

“Yes i have been the nurturer & provider and let’s be REAL, hindi naman talaga nag effort yung mga tatay,” malamang pahayag pa ni Tetay.

Pagpapatuloy pa niya, “But it’s lately that i’ve gotten a clearer male perspective from a new friend who has a very strong Christian faith- mahirap daw pantayan yung na provide ko for the 2.

“And minsan para wag ka na lang mapahiya, iiwas ka na lang… i never saw it that way before. And masyado na rin nasanay si kuya & bimb with our situation. 

“Yun ang kapalit ng living your life publicly… masyadong marami nang nasabi on both sides (this is about bimb’s dad) that he has seen (dahil nga may YouTube) and as he said hindi na nya hinahanap,” lahad pa ng award-winning TV host na ang tinutukoy ay ang tatay ni Bimby na si James Yap.

Sa huli, nabanggit ni Kris na tuluy-tuloy pa rin ang pagtatrabaho niya sa gitna ng pandemya. Sa katunayan, may gagawin siyang projects sa susunod na linggo.

“I have 2 commitments with brands i really wanted to work with so i’ll finish those next week… then i’m taking a short sabbatical because may paghahandaan and i won’t be able to give that my 100% kung hindi ako healthy. (Part 2 sa next post),” pahayag pa ng aktres at TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending