GRETCHEN ‘INABUSO’ ng pamilya sa loob ng napakaraming taon | Bandera

GRETCHEN ‘INABUSO’ ng pamilya sa loob ng napakaraming taon

Ervin Santiago - September 05, 2013 - 03:00 AM


INAMIN ni Gretchen Barretto na halos buong buhay niya ay puro pasakit at hirap ang naranasan niya sa kanyang sariling ina. At ngayong itinakwil na siya ng kanyang mga magulang, mas gumaan at mas naging positibo raw ang naging pananaw niya sa buhay.

Sey ng aktres, sa kabila ng panlalait at pang-aalipusta sa kanya ng inang si Inday Barretto na umabot pa nga sa pagtawag sa kanya na isang “devil”, ayaw na niyang patulan ito at mas gugustuhin na lang niya ang manahimik.

Sa kanyang Instagram account, hindi man diretsong sinagot ni Greta ang ina, marami ang naniniwala na para ito sa nanay nila ni Claudine Barretto, aniya, “Knowing when to walk away, is wisdom.

Being able to, is courage. Walking away with your head held high is dignity. “Oh so perfect. self preservation. Loving and respect yourself.”

Very open kasi ang pagkampi ni Gretchen sa dating asawa ng sisteraka niyang si Raymart Santiago, sa katunayan, nagpakuha pa nga siya sa kapatid nitong si Randy.

May mga followers si Gretchen na nagsasabing naaawa sila sa aktres dahil parang pinagkaisahan na siya ng kanyang pamilya, at obvious naman na kay Claudine sila kumampi.

Pati nga ang tatay nila ay nakapagsalita rin ng hindi maganda kay Gretchen, pero hindi rin ito pinatulan ng aktres. Sinagot ni Gretchen ang ilan sa mga followers niya at sinabi niya na sanay na siya sa ganitong eksena, kahit daw noong bata pa siya ay nakararanas na siya ng pang-aapi mula sa kanyang ama’t ina.

“I can thank God for his mercy never fails. The truth is finally unfolding. I have suffered in silence for 43 years of my life. It has been the most difficult and painful journey.

Although the verbal and emotional abuse continue, I pray that I am given the grace to walk away from it all,” tweet ni Greta.
Sinundan pa ito ng, “Some people can be mean and treat you poorly.

Don’t take it personally. It says nothing about you but a lot about them. So true.” Tuloy naman ang kampihan nina Gretchen at Marjorie laban sa kanilang mga magulang at kay Claudine.

May isa rin siyang follower na nagsabing dapat daw ay tumanaw siya ng utang na loob kay Claudine dahil marami ring nagawa sa kanya at sa pamilya niya ang bunsong kapatid.

Binanggit pa nga nito ang eksenang pinalayas sila ni Gretchen sa bahay nito at tanging si Claudine lang ang tumulong sa kanila.
Ang chika ni Marjorie, “Please don’t make up a stories as dramatic as that.

Walang nangyaring ganyan, sounds like a good script for Maalaala Mo Kaya. Thanks for your advice but first you have to know what you are talking about. In reality, what you are saying that I should do is not possible.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending