Andi ibinenta ang mga paboritong damit para sa health center at daycare ng Siargao | Bandera

Andi ibinenta ang mga paboritong damit para sa health center at daycare ng Siargao

Ervin Santiago - June 15, 2021 - 11:24 AM

IBINENTA na ni Andi Eigenmann ang kanyang mga pre-loved clothes pati na rin ang ilang mga maaayos at magaganda pang damit ng kanyang mga anak.

Sa bago niyang vlog, ibinahagi ng aktres na nagdesisyon siyang ipagbili na ang kanyang mga damit bilang bahagi ng isang fundraising campaign para sa pagtatayo ng mas maayos na health center sa Siargao.

Ipinakita muna ni Andi sa unang bahagi ng kanyang vlog sa YouTube kung paano niya sinisimulan at tinatapos ang kanyang island life sa loob ng isang araw kasama ang fiancé niyang si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak.

Dito, naikuwento rin ni Andi ang mga naging kaganapan nang ma-stranded sila sa isang lugar sa Siargao matapos masira ang kanilang sinasakyang van.

Aniya, ilang oras din silang tumambay sa isang waiting shed habang naghihintay ng tulong para magawa ang nag-overheat nilang sasakyan.

“So, we are stranded. Dito kami sa sikat na spot kung saan maraming coconut trees,” kuwento ng aktres na ang tinutukoy ay ang isa sa mga tourist attraction sa Siargao kung saan nakatanim ang daan-daan puno ng niyog.

“At ang aming very cute van over there ay nag-overheat. So nandito kami ngayon, basang sisiw kami ngayon dito.

“Wala kaming water. We had to put it sa loob no’ng naubusan ng tubig na ‘di ko alam ang tawag,” aniya pa.

Patuloy pang chika ng anak ni Jaclyn Jose, “Buti na lang may mabait na tumulong sa amin, si Kuya Ian. But he left na kasi naghihintay na kami ng aming sundo. And now, wala, ano’ng magagawa namin? Maglalaro na lang kami.”

Samantala, sa bandang dulo ng kanyang vlog, ibinalita ni Andi na ibinenta na nga niya ang ilan sa mga paboritong damit matapos malaman na isa sa mga kaibigan niya ay nag-set up ng fundraiser para makatulong sa pagpapatayo at pagsasaayos ng health center sa Siargao.

“We have a setup here outside kasi para makita ng mga tao dito sa neighborhood namin na naglalabay-labay (dumadaan-daan).

“Matagal ko nang gustong magkaroon ng purpose ‘yung mga pre-loved clothes namin.
“Alam kong maraming makikinabang and of course, it’s better for the environment if I can see na napa-pass on ko siya,” sabi pa ni Andi.

Dugtong pa niya, “Siyempre, nahiya naman ako magbenta. But then, my good friend, set up a fundraiser with Isla Medical Foundation in order to improve our health center and daycare.”

“So naisip ko, para hindi naman sayang ang binayad ng mga locals, sa kanila  ko na rin ibabalik ‘yung naibigay nila kaya ilalagay natin sa health center ‘yung earnings para makatulong naman, ‘di ba?

“And maka-help na ma-provide ‘yung mga kulang na materials, ‘di ba? Na mas pagandahin at ayusin pa ‘yung health center namin dito,” lahad ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hinikayat din ni Andi ang kanyang social media followers na mag-donate sa pamamagitan ng pagse-share sa link ng Catangnan Health and Daycare Center Fundraiser para sa improvement ng kanilang health and daycare facilities sa isla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending