Fans inireklamo ang relasyon ng beking manager sa BL actor; nagkainlaban o ilusyon lang? Bandera

Fans inireklamo ang relasyon ng beking manager sa BL actor; nagkainlaban o ilusyon lang?

Ervin Santiago |June 15,2021
share this

Fans inireklamo ang relasyon ng beking manager sa BL actor; nagkainlaban o ilusyon lang?

Ervin Santiago June 15, 2021 - 09:04 AM

TINAPATAN ng BL (Boy’s Love) actor ang kadramahan ng isang beking talent manager na pinaniniwalaang lover niya. 

Ang ginawa ng binata para “makaganti”, nag-post din siya ng mga pasaring sa social media tungkol sa gay manager.

Nakita ng fans ang mga hugot post ng BL actor kaya nalilito na sila ngayon kung totoo nga ba ang relasyong ito o pag-iilusyon lang ng beking talent manager.

Tinatanong ng ating source kung totoo raw ba na nag-iibigan na ang dalawa o nami-misinterpret lang ng mga nakakakita at nakakakilala sa kanila.

Iba kasi talaga ang ikinikilos ng manager lalo na ang ipinakikita niyang kabaitan at malasakit sa aktor. 

Ibinibigay niya ang lahat sa lalaking ito at halos mabaliw siya sa paghahabol sa kanyang talent. At dahil dito, pinupuna na siya ng mga tagahanga ng BL actor. 

May mga na-disappoint pa nga dahil ganu’n daw pala ang idolo nila —abusado. E, kasi nga, tanggap lang daw nang tanggap ang aktor sa lahat ng ibinibigay sa kanya.

Sabi ng source, may mga supporters na nagsabing hindi na nila susuportahan ang binata. Bahala na raw siya sa buhay niya at ayaw na nila magpaka-fan. Wala naman daw magandang influence ang aktor na ito.

Unti-unti na rin kasing nakakarating sa fans ang attitude ng lalaking ito kaya nanlamig na sila. Sey ng isang fan, “Ay ganyan pala ‘yan. Mayabang pa!” 

Umaasang makakabalik at makakabangon pa sa pagkakadapa ang BL actor na ito at lahat daw ay gagawin niya para lang magka-break uli.

Sa ngayon ay pagti-TikTok na lang ang pinagkakaabalahan niya. “Kung gaano sana siya kabait sa social media ay ganu’n din sana siya kabait sa totoong buhay,” pagtatapos ng ating source.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending