Ogie nagpaliwanag bakit dinelete ang second interview kay Dennis
Tinanong namin si Ogie Diaz nu’ng isang araw kung bakit niya tinanggal ang part 2 episode ng panayam niya kay Dennis Padilla sa kanyang YouTube channel na may tittulong “Ipinagpasa Diyos na lang ni Dennis Padilla.”
Kung hindi kami nagkakamali ay ito ‘yung humihiling si Dennis ng oras na makapiling niya ang mga anak niyang sina Julia, Claudia at Leon Barretto over lunch or dinner.
Sabi namin kay Ogie, “maraming netizens ang nagtatanong bakit mo dinelete ‘yung interview?”
Ang sagot sa amin, “May nakiusap, ‘wag mo sagutin para wala ka nang problema hahaha!”
Pag ganyan ang tono ni Ogie ibig sabihin ay confidential kaya hindi na namin siya kinulit pa pero sa vlog niya nitong Biyernes ng gabi ay inamin na rin niya ang dahilan kung bakit tinanggal niya ang second part ng interview niya sa ama nina Julia.
“Once and for all kung bakit namin dinelete at in-off ang comment section. Nandoon ‘yung isyu ng Gerald Anderson na nag-two time ba si Gerald Anderson? Niloko ba ni Gerald si Bea Alonzo na feeling ba ni Dennis ay na-two time ang anak niyang si Julia Barretto.
“Actually desisyon ko na rin ‘yun at the same time tumawag sa akin si Dennis sa akin at nakikiusap na baka puwedeng i-down ko ‘yung part 2 dahil hindi niya kaya na bina-bash ang anak niyang si Julia. Pero pinaninindigan nya ang mga sinabi niya.
“Siyempre umiral ang pagiging ama ni Dennis at ‘yung pagka-awa sa anak niya, nanaig. Kawawa naman talaga si Julia dahil kahit ako naawa ako kapag nagbabasa ako ng comments pero may mga nagtatanggol din kay Julia at si Dennis naman ang tinitira.
“Kasi parang na-judge kaagad ang mga anak ni Dennis (walang oras makipagkita) kaya,” kuwento ni Ogie.
Nabanggit pa na si Julia raw ang pinakamabait sa mga anak ni Dennis kaya pinayuhan ni Ogie na mag-usap sina Dennis at Marjorie Barretto para magkaayos na sila kasama ang mga anak nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.