Rayver may 2 rason kung bakit ‘di pa pakakasalan si Janine; Alden lalaban sa 2021 NY Festivals
NAGBIGAY ng ilang rason ang Kapuso actor na si Rayver Cruz kung bakit hindi pa niya pwedeng pakasalan sa ngayon ang kanyang girlfriend na si Janine Gutierrez.
Sa online chikahan ng ilan sa mga host at performers ng weekly variety show ng GMA na “All-Out Sundays”, nalagay sa hot seat si Rayver nang tanungin siya about his lovelife.
Isang fan ang nagtanong kay Rayver nang mag-join siya sa GMA Entertainment Viber Group Chat kasama sina Julie Anne Jose at Miguel Tanfelix para sa “All-Out Sundays” special episode bilang bahagi ng 71st Anniversary ng Kapuso network.
“To Rayver, alam ko happy mom mo sa heaven, sa mga na-achieve n’yong magkapatid. Is there any plan to get married na din?” tanong ng kanyang fan.
Reply naman ng binata, “Ini-enjoy ko pa muna ‘yung time ko sa mga pamangkin ko and kakakasal lang din ni Rodjun.
“Pero eventually darating din naman tayo diyan in God’s time. Ngayon kasi nag-e-enjoy pa ako sa pagiging tito,” katwiran pa ng Kapuso actor at TV host.
Samantala, nagbigay din ng message si Rayver para sa lahat ng tumututok sa “All-Out Sundays”, “Maraming salamat po kaya inspired kami lagi na galingan sa production numbers at comedy dahil sa inyo. Throughout these times kayo ang nagiging inspirasyon para pagbutihin lagi. Mahal namin kayong lahat.”
* * *
Pasok ang virtual reality concert ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na “Alden’s Reality” sa short-listed entries mula sa Pilipinas sa 2021 New York Festivals (NYF) “World’s Best TV and Films” Competition.
Ang nasabing kauna-unahang virtual reality concert sa bansa ay nominado sa ilalim ng Entertainment Special: Special Event category.
Bukod sa Alden’s Reality, finalist din sa NYF ang “Kapuso Mo, Jessica Soho,” “Reel Time,” “Reporter’s Notebook” at “The Atom Araullo Specials.”
Ang Kapuso Network nga ang may pinakamaraming shortlisted entries mula sa Pilipinas dahil limang finalist nominations ang nakuha nito.
Matatandaang ginanap ang “Alden’s Reality” na produced ng Synergy: A GMA Collaboration noong Disyembre bilang selebrasyon ng isang dekada ni Alden sa showbiz. Ito rin ang kauna-unahang international nomination ng nasabing hit concert.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.