Kiko sinigurong uuwi pa rin sa Pinas si Sharon: After 25 years, patay na patay pa rin siya sa akin
SA panayam ni Karen Davila kay Sen. Kiko Pangilinan sa “Headstart” ay kinlaro nito na babalik pa sa Pilipinas ang asawang si Sharon Cuneta at hindi totoong maninirahan na ito roon.
Nabanggit kasi ng Megastar na gusto niyang manirahan sa Amerika, pero ang asawang si Kiko ang may ayaw dahil mahal na mahal nito ang bansang Pilipinas.
Ang mga anak nilang sina Frankie at MIel ay mag-aaral doon kaya posibleng manirahan ng matagal at ang bunsong si Miguel ay matatagalan pa bago ito sumunod sa mga kapatid para mag-aral.
Si KC Concepcion naman, anytime ay puwede siyang manirahan sa US since green card holder ito.
Anyway, ang paliwanag ni Sen. Kiko kung bakit magtatagal sa Amerika si Sharon, “She has work options there, that’s where she’s coming from. But she also said na home is where her family is, her husband and her children.
“We’ve been married 25 years. It’s always a give and take and I know love conquers all, so for me that’s not an issue. Ayun after 25 years, patay na patay pa rin sa akin,” nakangiting sambit ng senador.
* * *
Sa panahon ng pandemya ay isa sa pagsusulat ng kanta ang pinagkaabalahan ng pop rock singer na si Yeng Constantino.
Ngayong araw ni-release na niya ang isa sa mga nagawa niyang awitin, ang “Kumapit” na isang inspirational song produced by Reverb Worship and Star Music.
Kuwento ni Yeng sa panayam niya sa ABS-CBN, “Ang inspirasyon ko po ng pagsulat ng ‘Kumapit’ ay tayo, tayo po na nasa gitna ng isang unknown na kaaway, itong pandemya.
“Wala pa pong nakaranas sa generation natin nito eh, and everyone is going through so much darkness. And it wasn’t hard na humugot ng inspirasyon doon dahil kahit po ako, parte nung mga taong nakakaranas nito.
“Siguro magkakaiba lamang po tayo ng level, kung ano yung severity sa experience natin, pero ‘yun yung common sa ating lahat—‘yung hirap, ‘yung pag-aalala, yung lungkot, ‘yung fear of the unknown. Ano ba talagang mangyayari? Matatapos ba ‘to? Gaano ba karami ang mawawala sa ‘min? Paano na yung pamilya ko?
“So ‘yung mga questions na ‘yun. And even yung feeling of ‘God, nandito ka ba, sa gitna nito?’ A lot of people kapag dumaan talaga sa pagsubok, mararamdaman mo talaga minsan na parang nakalimutan na yata ako ng Diyos. And that’s very familiar sa ating lahat. So ‘yun po yung pinaghugutan ko ng inspiration,” ang mahabang pahayag ng Kapamilya singer at songwriter.
Ang “Kumapit” ay kasalukuyang napakikinggan sa Spotify, iTunes, Amazon, Deezer, TikTok, Apple Music, at YouTube.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.