Dennis sa mga hirap na hirap mag-move on: Kalimutan na ang luma, maghanap na ng bago
ANO nga ba ang dapat gawin kung hirap na hirap kang kalimutan ang ex-dyowa mo?
Parang kahit saan ka na lang tumingin ay mukha niya ang nakikita mo? At kahit saan ka magpunta ay tila lagi kang sinusundan ng kanyang mga alaala.
Yan ang tanong ng isang netizen sa lead stars ng bagong Kapuso series na “Legal Wives” nang sumalang sila sa digital show ng GMA 7 na “ArtisTambayan”, na pinangungunahan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.
Sa nasabing online chikahan, nagbigay nga ng kanilang love advice ang pangunahing cast ng serye sa isang nagtanong na netizen na nagpakilalang si Michelle.
Ito ang payo ni Dennis sa kanya, “Kalimutan na niya ‘yung mga lumang memories na ‘yun at gumawa siya ng mga bago. Kung binabalik-balikan lang niya ‘yung mga masasakit na alaala na ‘yun, walang mangyayari sa kanya.
“Nandoon lang siya sa estado na ‘yun, hindi siya makaka-move on. Ang payo ko sa kanya, maghanap na siya ng iba, gumawa siya ng bagong memories tapos kalimutan na niya ‘yung mga luma na ‘yun kasi tapos na ‘yun,” dagdag pa ng boyfriend ni Jennylyn Mercado.
Sabi naman ni Andrea na nabigo na rin sa pag-ibig, “Ang imporatnte talaga riyan, kailangan mo siyempre i-embrace ‘yung process. Proseso ‘yan ‘di ba?
“At ang una doon, kailangan may acceptance ka. Once na-accept mo at na-reflect mo ‘yung nangyari sa relasyon, makuha mo ‘yung learnings doon sa relasyon then pwede ka nang mag-move on,” dagdag pa ng ex-dyowa ni Derek Ramsay.
Paliwanag pa ng Kapuso sexy actress, “Kailangan mong tulungan ‘yung sarili mo. Kailangan mas mag-focus ka doon sa positive. Huwag kang mag-focus doon sa ‘Ay hindi nag-work.’
“Mas isipin mo na kaya ito nangyari kasi mayroon itong magagawa for me. It’s for my growth. May mas malaking plan, may mangyayari pang maganda sa akin. Gano’n dapat ang mindset mo,” paalala pa ni Andrea sa broken-hearted na netizen.
Para naman kay Bianca, huwag na huwag sisisihin ang sarili sa hindi nag-work na relasyon, “A reminder is that it’s okay not to be okay. Tama na we should respect the process and do not stay there.
“Huwag mong hayaan ‘yung sarili mo na malugmok ka sa kalungkutan at huwag na wag mong iisipin na ikaw ang problema. Love yourself, move on and be happy because life goes on,” aniya pa.
Para naman kay Alice, “Sabi kasi ng friend ko, it takes one to forget one. But the thing is, when you do that, hindi mo binibigyan ang puso mo ng time to heal and also to recover and become whole again.
“Usually kasi sobra na ‘yung binibigay mo doon sa loved one mo and siyempre if he does not reciprocate, you feel empty inside.
“I think the best thing is to find other things na pwede mong pagkaabalahan. Educate yourself, hangout with your friends, do things that you enjoy to make yourself happy. And then when you least expect it, darating ‘yung prince charming mo,” pahayag pa ni Alice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.