Negosyo nina Krista Ranillo at Nino Lim sa US iniintriga; 3 Korean movie eeksena sa Pinas | Bandera

Negosyo nina Krista Ranillo at Nino Lim sa US iniintriga; 3 Korean movie eeksena sa Pinas

Reggee Bonoan - June 09, 2021 - 06:44 PM

KAKA-POST lang ng talent manager na si Lolit Solis sa Instagram ngayong hapon na may mga nang-iintriga sa Island Pacific Supermarket na may 15 branches sa Amerika.

Pag-aari ito ni Nino Lim, asawa ng dating aktres na si Krista Ranillo. Ayon sa chika, ang supplier daw nila ng kakanin ay hindi na pinayagang magbigay sa kanila dahil sa kumpetisyon.

Nakausap daw ni Manay Lolit ang mag-asawang Nino at Krista at ikinuwento nga niya ito sa kanyang IG kalakip ang larawan ng mag-asawa kasama ang kanilang mga anak.

“Naku meron pala ngayon nagaganap na intriga sa USA. Sikat na sikat ang Pacific Island Supermarket kaya siguro nai-insecure iyon ibang mga Filipino stores na napakarami din sa USA.

“Hindi ko lang alam kung bakit kailangan magkaruon ng fierce competition among mga magkababayan, hindi ba dapat tulungan sila para mas stronger ang force nila. Like ang Island Pacific Supermarket matagal ng nag-cater sa mga Pilipino sa USA,” sabi ni Manay.

Totoo naman na maraming natulungang mga kababayang Pinoy na makapagtrabaho sa supermarket nina Nino at Krista at saksi kami dahil may mga nakausap pa kami noong makarating kami sa Island Pacific Seafood Market na malapit sa Rancho Cucamonga, California USA.

Anyway, base sa kuwento ni Manay Lolit ay nagkaroon ng kumpetisyon ang Seafood Market kung sino ang may magandang serbisyo, masarap at murang paninda.

“Eh hindi yata ganuon nangyayari, medyo may isang complainant na hindi na daw pinayagan mag supply ng kakanin sa Seafood Market dahil nagdadala din ng paninda sa Island Pacific Supermarket. Kaya cry ng foul iyon supplier.

“Naawa naman sila Nino Lim at Krista Ranillo dahil nabawasan ang income nuon nagsu-supply ng kakanin. Sana naman huwag ganito mangyari, kasi nga, pareho tayong mga Pilipino dapat magkakampi tayo. Ang laki ng market, siguro naman may kanya kanyang suki ang mga nagtitinda, at depende kung saan gusto bumili ng buyer.

“Sana naman maayos ito, at salamat sa Pacific Island Supermarket sa pagtulong sa nagtitinda ng kakanin. Thank you Nino and Krista, Filipino talaga kayo, mabait ang puso,” aniya pa.

* * *
                                                             
Tuluy-tuloy ang iWantTFC sa pagpapalabas ng mga pelikulang sadyang inaabangan ng mga Pinoy tulad ng tatlong bagong South Korean films na “Deliver Us From Evil,” “The Box,” at “Mission: Possible” na mapapanood sa Pilipinas.

Ang “Deliver Us From Evil” ay pinagbibidahan nina Hwang Jung-min at Lee Jung Jae, dalawa sa pinakasikat na movie stars sa Korea. Susundan nito ang kwento ng isang paretirong assassin na tutugisin ng kapatid ng isang taong pinatay niya noon.

Si Chanyeol ng grupong EXO sa musical na “The Box,” na gaganap bilang isang aspiring singer na makaka-road trip ang isang laos na music producer (Cho Dal-hwan) para makilala ang sarili at ang mga natitira nilang pangarap sa buhay.

Aksyon at katatawanan naman ang kuwento ng “Mission: Possible,”na iimbestigahan nina Lee Sun-bin at Kim Young-kwang ang isang gun-smuggling syndicate sa Korea hanggang sa sila ang iturong mga suspek sa krimen.

At siyempre, hindi naman papatalo ang Filipino movies na patok ngayon sa iWantTFC “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” at “Kaka” at barkada movie na “G!”.

Hagalpakan sa kilig at tawa ang makukuha sa “Ang Babaeng Walang Pakiramdam,” ang unang pelikula ng real-life couple na sina Kim Molina and Jerald Napoles na mapapanood simula Hunyo 11. Ang kuwento ay lumaking walang nararamdamang sakit sa katawan o puso si Tasha (Kim), ngunit magbabago ang lahat ng ito kapag nakilala niya si Ngongo (Jerald).

Bida naman sa “Kaka” sina Jerald, Ion Perez, at Sunshine Guimary na ang kuwento ay tungkol sa isang DJ na gagawing misyon ang makaranas ng sarap sa sex. 

Iba’t ibang aral naman tungkol sa pag-ibig, buhay, at pagkakaibigan ang ituturo nina McCoy de Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles, at Mark Oblea sa “G!” tungkol sa road trip ng mga magkakaibigan pagkatapos ma-diagnose ng cancer ang isa sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin ang mga pelikulang “Momshies: Ang Soul Mo’y Akin” nina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros at “Mommy Issues” nina Sue Ramirez, Pokwang, at Gloria Diaz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending