Sa ating Saligang Batas simple lang naman ang mga hinahanap na qualifications para maging pangulo ng bansa.
Dapat ang isang kandidato ay natural born Filipino, isang registered voter, marunong magbasa at magsulat, at least ay 40 years old sa mismong araw ng halalan at dapat ay nakatira sa bansa ng at least ay sampung taon bago ang mismong araw ng eleksyon.
Kada eleksyon sangkatutak na mga panggulo ang gustong maging pangulo.
Wala namang masama dito dahil bahagi ito ng demokrasya na ating ginagalawan.
Ang karamihan sa mga kandidato ay gustong maglingkod ng tapat kapag nanalo, ang iba ay tumatakbo lang para kumita samantalang ang ilan naman ay dummy o tauhan lang ng isa o grupo ng mga tao na may common intrests.
At nagpag-uusapan na rin lang naman ang nalalapit na halalan,
Ngayon pa lang ay todo na sa paghahanda ang isang batang pulitiko para sa kanyang target na pwesto sa 2022…ang maging pangulo.
Sinabi ng aking cricket na kaliwa’t kanan na ang kanyang pakikipag-usap sa mga business leaders na naniniwalang malaki ang tyansa ng pulitikong ito na humalili kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kahit ang oposisyon ay nakikipagpulong na sa ating bida lalo’t tagilid sa mga survey ang kanilang naunang iniumang na kandidato na ayon sa mga huling balita ay gusto na lamang bumalik sa kanilang lalawigan at tumakbo sa isang local position doon.
It’s now or never daw ang kanyang kanta sa kasalukuyan dahil naniniwala siya sa sulsol ng kanyang mga advisers na siya na nga ang magpapabago kuno sa political landscape ng bansa.
Bagama’t marami ang nagsasabi na dapat mag-slow down muna si Sir sa kanyang ruta sa pulitika, iba naman daw ang kanyang tingin sa mga pangyayari na tila ba ay isang malaking sugal na dapat niyang ipanalo.
Kamakailan ay umugong rin ang balita na nakikipag-usap na ang kanyang kampo sa ilang kilalang pulitiko sa Mindanao dahil alam niyang mahihirapan siya sa bahaging iyun ng bansa sakaling tumuloy siya sa pambansang halalan.
Pero ang pinaka-nagtulak daw na dahilan kung bakit nagpasyang ideretso na sa Malacanang ang kanyang pangarap ay ang ipinangako umano sa kanyang suporta ng ilang business leaders sa bansa.
Kabilang sa mga negosyanteng ito ang ilang mga hindi umubra sa mahigpit na paghahabol sa tamang buwis ng kasalukuyang pamahalaan.
Alam nyo na na kapag may ibinigay na tulong.. may kapalit ito na mas mabigat na pabor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.