Beking talent manager hirap na hirap kalimutan ang nakarelasyong BL actor Bandera

Beking talent manager hirap na hirap kalimutan ang nakarelasyong BL actor

Ervin Santiago |June 08,2021
share this

Beking talent manager hirap na hirap kalimutan ang nakarelasyong BL actor

Ervin Santiago June 08,2021 - 12:04 PM

TOTOO nga kaya ang kumpirmasyon sa amin ng isang source na nagkaroon talaga ng relasyon ang beking talent manager at ang isang BL (boy’s love) actor? 

Iyan kasi ang ipinagdiinang chika ng aming kausap na nagpatotoo nga sa naging affair ng dalawang bida ating blind item. Talaga raw naging magdowa ang mga ito.

Sabi n’ya sa amin, more than manager-talent ang nabuong samahan sa pagitan ng dalawa base na rin sa kanilang mga ikinikilos during their unguarded moments.

Pero siyempre, itong si talent manager lang daw ang may nararamdaman dahil sinakyan lang ng kanyang alaga ang trip niya sa buhay sa ngalan ng career, opportunities, at iba pang bagay na pwede niyang makuha.

Masisisi mo ba ang binatang aktor sa panggagamit niya kay talent manager, e, gusto lang naman n’yang makaluwag-luwag sa buhay at mabili ang mga bagay na matagal na niyang gustong mabili.

‘Yun nga lang, naging ugali na n’ya ito at habang tumatagal ay nagiging abusado na hindi lang sa kanyang manager kundi maging sa iba pang taong nakikilala niya.

In fairness sa aktor, smooth na smooth ang kanyang ginagawang panggagamit, ha! Pero ang tanong namin, naka naman na-in love na rin si BL actor sa beking manager niya? Imposible raw sabi ng ating source. 

May mga bagay din na nasira sa binata—ang kanyang imahe, ang direksyon niya sa buhay, dahil kung anu-ano na lang ang pinaggagagawa niya na baka raw impluwensya rin ng nakarelasyon niyang talent manager. 

Sinanay kasi siya ng manager at ibinigay ang lahat ng gusto niya kaya nu’ng naghiwalay sila ay super na-hurt siya. Hindi niya kinaya ang sakit. Ganu’n daw pala ang pakiramdam na iwanan.

Kung nag-end na ang complicated na relasyon na ito, nag-end na rin ba ang responsibility ni manager bilang tagahawak ng karera ng young BL actor? Tapos na rin ba ang pagtulong niya sa binata? 

Ang drama ng kawawang talent manager, gusto na raw niyang makalimutan ang aktor pero hindi raw talaga niya keri dahil mukha ngang mahirap kalimutan ang binata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending