B-day surprise ni Kiray para sa ina bentang-benta: Kabog 'tong lechon money pulling! | Bandera

B-day surprise ni Kiray para sa ina bentang-benta: Kabog ‘tong lechon money pulling!

Ervin Santiago |June 07,2021
facebook
share this

B-day surprise ni Kiray para sa ina bentang-benta: Kabog ‘tong lechon money pulling!

Ervin Santiago - June 07, 2021 - 10:28 AM

HASHTAG #SanaAll! Yan ang nagkakaisang reaksyon ng mga nanay na nakapanood sa vlog ni Kiray Celis para sa 56th birthday ng kanyang Mommy Meriam.

Talagang sinorpresa ng Kapuso comedienne ang ina noong kaarawan nito last May 24, 2021 kaya naman tuwang-tuwa ang birthday celebrator.

Una nang binati ni Kiray si Mommy Meriam sa kanyang Instagram account. Nag-post pa siya ng litrato nito kalakip ang kanyang message at birthday wish.

“Mama, happy happy birthday. Wish ko ay magandang kalusugan para sayo. At syempre happiness.

“Kaya gagawin ko lahat maging masaya lang kayo ni papa. Kung wish mo rin magka jowa pa ng isa, keri lang rin naman. I love you, mama!” aniya pa.

At kasunod nga nito, ibinandera ni Kiray nitong nagdaang Sabado na niregaluhan din niya ang kanyang nanay ng cash worth P56,000.

Aniya sa kanyang Instagram post, “56k dahil 56 years old na si mama! Kabog tong lechon money pulling! Kita niyo mukha ng papa ko?! Walang kainggit inggit sa katawan yan. HAHAHAHAHA!”

Mapapanood sa vlog ni Kiray ang ilang kaganapan sa birthday celebration ng ina kabilang na ang naging reaksyon nito nang makita ang “money balloon” na may nakadikit nang P6,000.

Ngunit mas natuwa at mas naging emosyonal pa si Mommy Meriam nang ibigay na ni Kiray ang P50,000 cash na hinugot nila mula sa bibig ng lechon.

Ayon kay Kiray, nang dahil sa pandemic, na-realize niya na maikli lang talaga ang buhay kaya nangako siya na maglalaan siya ng mas mahabang panahon para sa pamilya at gagawin niya ang lahat para mapasaya ang mga ito.

“Nu’ng pandemic, talagang sobrang bonding kami. Lahat ng gusto ng mama’t papa ko, talagang binibigay ko, sinusunod ko kasi life is too short, lalo na tumatanda na sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kailangan maipadama ko sa kanila kung gaano ko sila kamahal, kung gaano sila kaimportante sa buhay ko. At sila ang pinakaimportante sa buhay ko,” pahayag ng komedyana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending