Coco tuloy na ang pagtakbong senador sa Halalan 2022? | Bandera

Coco tuloy na ang pagtakbong senador sa Halalan 2022?

Reggee Bonoan - June 04, 2021 - 01:47 PM

MUKHANG patapos na nga ang “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil grabeng bakbakan na ang nagaganap sa nakaraang dalawang linggong episode nito.

Tuluy-tuloy na ang pagtugis sa grupo nina John Arcilla (Renato) at Marc Abaya (Jacob) ng Task Force Aguila sa pangunguna nina Coco Martin, Michael de Mesa, Raymart Santiago, Shaina Magdayao, Angel Aquino, Jane de Leon, John Prats, CJ Ramos, James Cordero, Marc Solis, Mark Manicad, John Medina, Sancho de las Alas at Jaime Fabregas.

Sa nakaraang episode ay tuluyan nang namaalam sina Joel Torre at Shamaine Buencamino na gumaganap na magulang ni Yassi Pressman.  

Sugatan na rin ang mga kasama ni Cardo Dalisay, at higit sa lahat, kapos na rin sila sa armas kaya siguro hindi ito mabitiwan ng mga manonood dahil umabot sa 154,039 ang concurrent viewers nito sa YouTube Channel.

Sana huwag ikumpara ang ratings game na kuha sa A2Z at TV5 dahil incomparable naman ito dahil hindi naman nationwide ang dalawang channel.  Sa YT nila kunin ang datos.

Anyway, dahil dito ay nagpasalamat si Coco sa mga hindi pa rin bumibitaw sa “Ang Probinsyano” kahit nawala na sila sa ABS-CBN.

Base sa video ng aktor na ipinost sa IG account ng Dreamscape , “Sa lahat po ng Pilipino maraming, maraming salamat po sa patuloy ninyong panonood ng FPJ Ang Probinsyano kayo po ang dahilan kung bakit lalo pa po naming ipinabubuti ang aming trabaho.  Maraming-maraming salamat po at mahal na mahal namin kayo.”

At kaya siguro ilang buwan ding sasabak sa lock-in taping ang programa ay dahil dire-diretso na ito hanggang sa katapusan.

“Tatapusin na nila ang Probinsyano dahil kakandidato si Coco na senador (sa 2022),” ang sitsit sa amin ng isa naming kausap. Totoo nga kaya ito? Dahil ang alam namin ay hindi talaga type ng aktor na pasukin ang pulitika.

Anyway, malalaman ‘yan kapag natapos na ang aksyon serye ni Coco sa Setyembre o mas maaga pa at kung anong hakbang ang mga gagawin ng aktor bago ang filing ng candidacy sa Oktubre para sa Halalan 2022.

* * *

Hinihikayat ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang film at audiovisual (AV) companies na mag-apply para sa 2020 Investments Priorities Plan (IPP), isang tax incentive na inaalok ng Department of Industry – Board of Investments (DTI-BOI).

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Nob. 18 ng nakaraang taon ang 2020 IPP na isang listahan ng preferred investment areas na maaaring bigyan ng investment incentives upang mapalago ang ekonomiya ng Pilipinas, makapagbigay ng maraming disenteng trabaho sa buong bansa, at tulungang malutas ang mga isyu sa lipunan, kabilang ang kawalan ng trabaho. 

Kasama sa listahan ng investment areas ang mga orihinal na content kagaya ng animation at film (motion picture production) kung saan maaaring makakuha ng Income Tax Holiday (ITH) ang mga aprubadong proyekto sa loob ng hindi lalagpas ng apat na taon na may validity na hanggang tatlong taon (2020 to 2023) at sasailalim ito sa taunang pagsusuri upang mapaunlakan ang anumang mga pagbabago. 

Maaari ring makakuha ng ITH ang kinita mula sa sales, advertisements, tickets/box office returns, royalties kasama pati ang publication rights, at rentals para sa special showing na nakapaloob pa rin sa incentive period. 

“As a heavily affected industry especially by the pandemic, we are grateful to the national government for heeding our plight by including the film and audiovisual industry in the IPP priority sectors. The tax incentives from the DTI-BOI will greatly help our film and audiovisual companies as they continue to keep the industry afloat during these trying times.

“We hope our companies that invest in their projects will look into applying for the program for a much-needed incentive,” sabi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

Sa isang Advisory na inilabas noong Hunyo 1, hinimok ng FDCP ang film at audiovisual companies na mag-apply sa 2020 IPP upang magkaroon ng pagkakataong makakuha ng fiscal incentives.

Ayon sa DTI-BOI, maaaring mag-apply ang mga proyekto ng film at audiovisual companies para sa 2020 IPP alinsunod sa mga sumusunod. Dapat producer ang aplikante (ng film, TV, at ng ibang AV content) na pinansyal na namuhunan sa isang proyekto. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dapat i-apply ang proyekto bago ang commercial release nito (sa anumang platform) ay isang aplikasyon lamang para sa bawat proyekto ang maaaring isumite. Dapat ding isumite ang lahat ng tinatayang pinansyal na gastos. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending