Relasyong John Lloyd-Ellen dumaan sa matinding pagsubok: Ang daming nangyari
NAPATUNAYAN ni John Lloyd Cruz na hindi pala talaga madali ang maging isang tatay.
Aminado ang award-winning actor na matindi rin ang mga challenges na hinarap nila ng kanyang ex na si Ellen Adarna noong dumating sa buhay nila si Elias Modesto dahil sa mga personal nilang problema.
Ayon kay Lloydie, talagang pinlano nila ni Ellen ang magkaanak at ginusto nila ito ngunit hindi nila kontrolado ang ilang mga pangyayari sa kanilang buhay na naging dahilan nga ng kanilang paghihiwalay.
“Parang pangpelikula lang pala yung ano, ‘yung parang nalaman mo parang, ‘Magiging tatay na ako!’ Para sa akin hindi. I mean, kung ano yung nangyari sa akin, hindi. To each its own.
“Baka naman sa iba, totoo ‘yun and you can never tell kung ‘yun ay totoo o hindi. Okay yan, ‘yung nangyari sa ‘yo. Pero para sa akin, we wanted it, eh. Alam naman na namin na it was going to happen,” paliwanag ni John Lloyd sa panayam ni G3 San Diego.
Pahayag pa ng aktor na very soon ay mapapanood na nga sa GMA 7, hindi biro ang hinarap nilang mga pagsubok noon ni Ellen, bilang live-in partners at pagiging mga magulang.
“Halu-halo kasi siya, eh. Ang daming nangyari at that time. Like ‘yung father ni Ellen passed away two weeks before ipinanganak si Elias and she was going through motherhood, becoming a mother and our own personal issues. ‘Di ba, parang lahat…ang daming nangyari,” lahad ni Lloydie.
Dagdag pa niya, “And halos walang time actually to reflect on what’s happening on a day-to-day basis. And I was going through my own.
“So, ngayon lang talaga nu’ng nakita mo na and humahaba na yung mga araw, di ba, parang nandyan na siya. Totoong responsibility na, ‘Oo, pupunta kayo ng doctor.’
“So, siguro sa akin lang, it’s a process na, kapag kasi masyado ka na nag re-reflect about the process, para siyang life happens when you’re so busy planning. Para siyang ganu’n.
“But kapag may mga random or mga unexpected na conversations and you actually ponder on being a father, ‘yun lang naman talaga yung time na mapapaisip ka na, ‘Oo nga, ‘no?’
“Kasi, napakaano niya, e, matrabaho siya, so parang practical siya. It’s very physical as well, so nandu’n ka sa physicality of being a father, parang minsan lang naman yung mapapaisip ka and mapapa-reflect ka na, it feels nice, ah,” pahayag pa ni John Lloyd.
Samantala, nagbahagi rin si John Lloyd sa nasabing interview ng ilang detalye tungkol sa kanyang anak. May ilang ugali raw si Elias na nakuha sa kanya at meron din kay Ellen.
Sa itsura naman namana raw sa kanya ng bata ang, “Bibig, mata. Meron siyang ginagawa sa bibig niya, sa mata na kakabahan ka, eh kasi…pero magbabago pa naman ‘yun. But he’s very stubborn like me and like the mother.”
Sa tanong kung ano ang favorite bonding moment nila ng anak, “He’s about to turn three. Very active siya so madalas hindi na siya nakakapag-nap in the afternoon.
“So kapag ganu’n, and you see him winding down at night, pipikit-pikit yung mata niya nilalabanan niya. ‘Yun yung gustong gusto ko na parang alam mo na napagod siya today so it’s a good day,” pagbabahagi pa ni Lloydie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.