Hiling ni Dennis sa mga anak: Sana mahanapan naman nila ako ng time na makasama sila... Bandera

Hiling ni Dennis sa mga anak: Sana mahanapan naman nila ako ng time na makasama sila…

Reggee Bonoan |June 03,2021
share this

Hiling ni Dennis sa mga anak: Sana mahanapan naman nila ako ng time na makasama sila…

Reggee Bonoan - June 03, 2021 - 04:13 PM

“SANA mahanapan naman nila ako ng time na makasama kasi willing naman akong magpa-PCR test bago kami magkita-kita para hindi sila matakot!” 

Ito ang tanging hiling ni Dennis Padilla sa mga anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto base sa panayam ni Ogie Diaz na kaka-upload lang sa YouTube channel nito ngayon araw.

Gustung-gustong makita ni Dennis ang mga anak niya kay Marjorie Barretto. Huli pa silang nagkita ni Julia ay noong Disyembre, 2020 pa na nangyari sa Viva office habang sina Claudia at Leon naman ay  Christmas pa noong 2019.

Lagi ring tine-text ng ama ang mga bata, “Let’s see, sana makapag-dinner tayo. Ang sagot nila, ‘let’s see papa, see you soon.’ Mga ganu’n ang sagot, hindi specific ang sagot, parang in general.”

May naunang anak si Marjorie, si Daniella na anak niya kay Kier Legaspi na itinuring na ring parang tunay na anak ni Dennis pero ang bunsong anak ng ex-wife niya na nagngangalang Erich ay hindi na niya inabot.

Sabi nga ni Dennis, “Malaki ang kasalanan ko kay Marjorie, ako ang may kasalanan kaya siya na-fall out of love and may dumating na iba sa buhay niya. Madali siyang na-fall kasi siyempre malungkot siya, depress siya lalo na ‘yung guy na dumating sa buhay niya is a good provider madali siyang mapo-fall doon, ganu’n ‘yun, eh.”

“Tapos ang liliit pa nu’ng mga bata, gusto ko mang mag-provide ng time na ‘yun hindi ko kakayanin,” aniya.

Hindi naman siya inoobliga noon ni Marjorie pero may mga pinadadalang sulat tungkol sa mga gastusin ng mga anak.

“Minsan may pera akong 20 (thousand), ipapadala ko ang 15k, ititira ko ang 5k sa akin. Kaya lang may time sa buhay natin mga artista na wala talagang project,” sambit ni Dennis.

Nabanggit din niya na maraming beses siyang nagti-text noon pero matagal bago siya sagutin at nitong nagka-COVID 19 siya ay nagkausap sila ni Julia matapos niya itong i-text ng, “Julia I feel so alone.”

“Sabi niya, ‘Pa, you are not alone, we are praying for you. Ganu’n din sina Claudia, Leon at Dani na ‘magpalakas ka Pa, we are praying for you.’ Nakatulong sa akin ‘yung mga sinabi nila, saka papakingan ng Diyos ‘yun, mga anak ko sila,” pahayag ng komedyante.

Inamin din ni Dennis na hindi siya nag-expect financially sa mga anak dahil ang mas naisip niya noon ay ang mga kaibigan niya ang tutulong sa kanya tulad nina Sen. Bong Go at kasama rin si Presidente Rodrigo Duterte dahil umabot sa milyon ang bill niya sa hospital.

Going back to Julia ay natanong ni Ogie kung hindi naiinggit si Dennis kay Gerald Anderson dahil mas madalas itong kasama ng anak, “E, ganu’n talaga mahal ni Julia,” sambit ng ama ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending