BL actor umaasa na lang sa padala ng beking fans mula sa abroad, pero may kapalit? | Bandera

BL actor umaasa na lang sa padala ng beking fans mula sa abroad, pero may kapalit?

Ervin Santiago |June 01,2021
facebook
share this

BL actor umaasa na lang sa padala ng beking fans mula sa abroad, pero may kapalit?

Ervin Santiago - June 01, 2021 - 11:39 AM

NAKAKALOKA ang drama ngayon sa buhay ng isang kilalang BL o Boy’s Love actor na kinababaliwan daw ng mga bading hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Ayon sa isa naming source, bongga ang lifestyle ngayon ng aktor dahil hindi na siya gumagastos sa pangangailangan niya at umaasa na lang sa mga padala mula sa mga beking nasa abroad na nakikilala niya sa social media.

Kaya pala super pasasalamat siya sa kanyang Instagram dahil ang dami nga namang nagpapadala na pinaniniwalaang nagnanasa sa kanya.

Kwento ng source, talagang hindi nahihiya ang binata at tanggap lang nang tanggap sa mga gibsung ng mayayamang bading na nakilala n’ya sa pagti-TikTok.

Marami kasing mga uhaw sa social media na nakaabang sa ginagawang pahuhubad ng young actor. Imagine, magpapakita lang siya ng hubad niyang katawan sabay giling sa harap ng camera at katumbas na nga iyon ng mga mamahaling regalo.

Hindi raw talaga siya tumatanggi sa mga padala. Lahat ng mga nahuhumaling sa kanya ay inaasahan niyang magbibigay sa kanya ng ayuda, kesa nga naman gumastos pa siya, di ba? 

Patotoo pa ng aming kausap, hindi raw talaga tatanggihan ng binatang aktor dahil kailangang-kailangan niya ito ngayon plus the fact na wala rin naman siyang kinikitang malaki sa mga karaketan niya.

Naloka nga ang aming source na bakit daw karamihan sa mga kasamahan niya sa iisang management ay parang kung sinu-sino na lang na mga beki ang nakakasama.

Wala ba silang kinikita sa mga matitinong project? Hindi ba sila hinahanapan ng manager ng projects na matino? 

Pero naawa rin sa kanila ang ating source dahil kung anu-ano na rin ang pinagdaanan ng lalaking ito. Saan daw kaya ito pupulutin kapag tuluyan nang napariwara dahil sa kanyang pinaggagagawa.

Pagtatapos ng aming kausap, dapat daw i-check n’yo ang Instagram stories ng binata para makita ninyo kung ano ang mga ipinapadala sa kanya ng mga beking fans.
At least hindi na siya gumagastos, di ba? Pero ano nga naman ang kapalit nu’n? Ha-hahaha! ‘Yun na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending