Rabiya umaming hiwalay na sa non-showbiz BF: It's complicated... | Bandera

Rabiya umaming hiwalay na sa non-showbiz BF: It’s complicated…

Reggee Bonoan |May 31,2021
facebook
share this

Rabiya umaming hiwalay na sa non-showbiz BF: It’s complicated…

Reggee Bonoan - May 31, 2021 - 04:19 PM

“IT’S complicated.” Yan ang inamin ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa “The Boy Abunda Talk Channel” tungkol sa relasyon nila ngayon ni Neil Salvacion.

Matatandaang kumalat ang tsikang hiwalay na ang dalawa nang pagtatanggalin ni Neil ang mga larawan nila ni Rabiya sa kanyang Instagram account kaya maraming supporters ang nagtanong kung break na sila.

Nabuhayan lang ng loob ang fans nang sabihin ni Rabiya na, “I’m not available”, bilang sagot sa tanong kung sila na ng former Pinoy Big Brother housemate na si Andre Brouilette matapos kumalat ang mga litrato nila na magkasama sa ilang lugar sa Beverly Hills California, Los Angeles.

Bukod pa nga riyan ang pagpapalitan nila ng komento ni Neil sa IG post ng huli na kuha sa Matabungkay Beach sa Batangas na may caption, “vacSEAnated.”

Sabi ni Rabiya ay mukhang payat ang boyfriend niya na sinagot naman ng binata ng, “Sinegwelas for days.”

So, ang akala ng lahat ay okay na at waiting na lang si Neil sa pag-uwi ng beauty queen sa Pilipinas hanggang sa nakapanayam nga siya ni kuya Boy at dito niya inaming magkaibigan na lang sila ni Neil.

“It’s a complicated situation and we need to talk about things when I go back to the Philippines, but we’re friends and I still have to contact him but we need to have space together as of the moment.

“But I’m not closing any doors. We’ve been in this kind of situation before, we’ve been together for seven years, who knows po,” pag-amin ng dalaga.

Kinlaro rin ni Rabiya ang pangalan ni Andre Brouilette, “Tito Boy nahihiya ako kay Andre it’s because ‘yung photos na kumalat that was the third time that I was able to talk to him.

“The first one was before the send off to Miss Universe and the second one was during the competition and that was the third time na sinundo lang nila ako sa airport and he’s a nice guy,” paliwanag ng dalaga.

Iisa ang manager nina Rabiya at Andre, si Jonas Gaffud ng Mercator kaya talagang magkikita pa rin ang dalawa sa iba’t ibang okasyon.

Hindi rin makakauwi agad si Rabiya sa bansa dahil gusto niyang samantalahin ang pagkakataong naroon siya sa Amerika.

“Ang hirap po kasi bumalik sa Pilipinas kasi you’re gonna be isolated so it’s my favor also to the organization if I can stay a little bit longer kasi this is my first time to be outside of the country, I really want to make memories, really want to meet people and also I’m planning to look for my dad (nasa Chicago),” saad ng dalaga.

Isa sa agenda ni Rabiya kung bakit magtatagal siya sa Amerika ay dahil gusto niyang hanapin at makilala ang tatay niyang Indian na si Syed Mohammed Abdullah Moqueet Hashmi na ngayon ay nasa Chicago, Illinois na nagtatrabaho bilang doktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bata pa raw kasi siya noong iwan sila ng tatay niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending