Magulang nina Toni at Alex bakunado na: Dinaan namin sa tamang proseso, walang palakasan | Bandera

Magulang nina Toni at Alex bakunado na: Dinaan namin sa tamang proseso, walang palakasan

Ervin Santiago - May 31, 2021 - 03:58 PM

DOKUMENTADO ang ginawang pagpapabakuna ng mga magulang nina Toni at Alex Gonzaga kontra-COVID-19.

Mapapanood sa latest YouTube vlog ni Alex ang prosesong pinagdaanan nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy bago sila naturukan ng COVID vaccine sa Taguig.

In-explain din ng TV host-actress at vlogger kung bakit sa Taguig nagpabakuna ang kanyang parents kasabay ng paglilinaw na hindi sila sumingit sa pila at wala ring palakasan system na nangyari.

Sinabi rin ni Alex na nu’ng una ay ayaw pa talagang magpabakuna ng mga magulang niya ngunit nakumbinsi rin daw nila ni Toni ang mga ito.

“Ito na ang pinakahihintay kong araw. Matapos ang ilang linggong pagsisiyasat, paghihikayat, at pagpu-push, at talagang pagkukumbinsi, finally pumayag na sina mommy Pinty and daddy (Bonoy) na magpa-vaccine ng COVID-19,” pahayag ni Alex.

Patuloy pa niyang kuwento, “Sina mommy Pinty po ay pasok sa A2 and A3. Dahil sila po una ay senior citizens at pangalawa po sila ay may comorbidities.”

Nakahinga na rin daw sila nang maluwag dahil alam nilang may panlaban na sa killer virus ang kanyang nanay at tatay na pareho na ngang senior citizen ngayon.

“Nu’ng sinabi na pwede na mag-vaccine ang senior citizens, ayaw nila mommy Pinty. Bakit ayaw nila? Sila ay nakukumbinsi sa mga sinasabi sa internet and interview na delikado ang vaccine. Nabiktima sila noon, ayaw nila,” chika pa ni Alex.

Inamin naman ng vlogger na kahit siya ay may duda pa noong una ngunit habang tumatagal ay nakumbinsi na rin siya kung gaano kahalaga na mabakunahan agad lalo na ang mga nakatatanda dahil sa pagdami ng COVID variant cases.

“Ako rin noong una natatakot pero na-realize ko na need talaga ng mommy at daddy kasi lumalala ‘yung ano yung COVID, nagmu-mutate daw so kailangan immune ka na talaga,” esplika pa ng sisteraka ni Toni.

Kasunod nito, ipinagdiinan din niya na nagpa-register ang kanyang parents sa pamamagitan ng web portals sa tatlong municipality na kung saan meron silang mga bahay — yan ay sa Mandaluyong, Taguig at Taytay.

“Dinaan po namin sa tamang proseso. Wala pong palakasan dito. Nauna magrespond yung Taguig. Ngayon pupunta kami sa Taguig para magpa-vaccine,” sey pa ni Alex.

Sinamahan pa nga ni Alex sina Mommy Pinty at Daddy Bono sa  vaccination site sa Taguig at ipinakita nga niya sa kanyang vlog ang ilang naging kaganapan doon.

Aniya, pagkatapos maturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine ang mga magulang, babalik sila sa vaccination center after 28 days para naman sa second dose. 

Samantala, nag-effort pa si Alex na ipa-print ang “certificate of vaccination” para ibigay sa kanyang mga magulang para may pinanghahawakan daw ang mga ito na katunayan ng kanilang first vaccination.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dahil ang mga senior citizens kong magulang ay naka first dose na binigyan ko sila ng certificate at ribbon para mukhang achievement. Ang mommy binigyan ko pa trophy kasi ang taas ng BP nya bago magstart pang 1st honor!” ang chika ni TV host at aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending