Cameo nina Lady Gaga, Justin Bieber at BTS tinanggal ng censors nang ipalabas ang ‘Friends’ sa China
BEIJING–Nagpupuyos ang mga Chinese fans ng “Friends” matapos i-censor ng China ang appearance ng mga guest stars na sina Lady Gaga, Justin Bieber at Korean boyband na BTS sa pinakaaabangang reunion episode ng sikat na sitcom.
Tinanggal ng mga Chinese censors sa tatlong video platforms na nagpalabas ng kinagigiliwang 1990s sitcom sa China ang cameo ng mga sikat na celebrities dahil sa kanilang pampulitikang paniniwala na hindi nagustuhan ng Chinese Communist Party.
Pinagbawalan na si Lady Gaga na mag-tour sa China noong 2016 matapos na makipagkita ito sa exiled Tibetan spiritual leader na si Dalai Lama, na itinuturing na isang separatist ng Beijing.
Si Bieber naman ay di na pinapahintulutang makapasok sa China mula pa noong 2014 matapos na mag-post siya ng larawan niya sa kontrobersiyal na Yasukuni Shrine sa Tokyo na nagbibigay-pugay sa mga nasawing sundalo ng Japan, kabilang ang mga convicted war criminals noong World War II.
Nagalit naman ang communist party sa BTS noong nakaraang taon nang hindi nila banggitin ang mga mandirigma ng China na namatay sa Korean War habang isinasalaysay ng grupo ang “mapait ng kasayasayan” ng rehiyon.
Napansin din ng mga Chinese fans na sa lokal na bersiyon ng “Friends: The Reunion” ay tinanggal ang anumang patungkol sa LGBTQ, kaya nga’t ilang minuto itong mas maikli kaysa sa palabas ng may habang 104 minuto nang i-release ito sa buong mundo ng HBO Max noong Huwebes.
Hindi sinagot ng Chinese streaming services na iQiyi, Youku at Tencent Video ang mga katanungan ng AFP kung bakit may mga parteng tinanggal sa sitcom.
Ang sitcom na pinagbibidahan ng anim na puting New Yorkers ay may malaking tagasubaybay sa mga Chinese millennials at inirerekomendang panoorin maging sa mga iskwelahan bilang paraan para matutong magsalita ng Ingles.
Sa social media nagbulalas ng sama ng loob ang mga fans.
“I was waiting for weeks to watch the Friends reunion only to find that the version streamed in China was all mangled,” ayon sa isang user.
“Why can’t the censors just let us enjoy a sitcom?” tanong naman ng isa.
Naungusan na ang China ang US sa pagiging box office kung kaya’t ang galit ng mga awtoridad ng China sa mga celebrities ay maaring magdulot ng negatibong resulta.
Nitong Miyerkules, humingi ng paumanhin ang American wrestler at actor na si John Cena matapos inisin ang Beijing matapos tawagin ang Taiwan na isang bansa habang ipino-promote ang kanyang pelikulang “Fast and Furious 9.” Para sa Beijing, ang Taiwan ay probinsiya lamang nito.
Ulat ng Agence France-Presse
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.