Alice maraming pinaiyak sa video ni Baby Aura; 'Legal Wives' ni Dennis sasabak uli sa lock-in taping Bandera

Alice maraming pinaiyak sa video ni Baby Aura; ‘Legal Wives’ ni Dennis sasabak uli sa lock-in taping

Ervin Santiago |May 28,2021
share this

Alice maraming pinaiyak sa video ni Baby Aura; ‘Legal Wives’ ni Dennis sasabak uli sa lock-in taping

Ervin Santiago May 28, 2021 - 01:57 PM

BALIK na uli sa lock-in taping ang cast and crew ng inaabangang cultural drama series ng GMA Network na “Legal Wives” nitong Miyerkules, May 26.

Sa behind-the-scene photos ng kanilang unang araw sa location ay makikita ang buong production na nagdasal muna sila nang sama-sama bago magsimula sa kanilang trabaho.

Matapos ito ay sumabak na sa kanilang mga eksena ang mga bida ng upcoming Kapuso serye sa pangunguna ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo at Andrea Torres.

Ang “Legal Wives” ay tungkol sa isang lalaking Maranaw na si Ismael (Dennis) na magpapakasal sa tatlong babae para sa iba’t ibang dahilan.

Si Diane (Andrea), isang Kristiyanong mamahalin ni Ismael at magiging pangalawang asawa nito; si Amirah (Alice Dixson), ang unang asawa; at si Farrah (Bianca Umali), ang pinakabatang asawa.

Kasalukuyang nagte-taping sa isang resort sa Laguna ang cast ng “Legal Wives” at siniguro naman ng management na patuloy pa ring sinusunod ng bawat production team ang lahat ng safety at health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan sa gitna pa rin ng pandemya.

Samantala, speaking of “Legal Wives” actress Alice Dixson, maraming na-touch at naapektuhan  sa isang Instagram post niya para sa anak na si Baby Aura.

Ilang selfie photo at isang video clip ang ibinahagi ng Kapuso actress sa kanyang IG followers kung saan makikita ang palad ng kanyang baby na hinahawakan ang kanyang kamay.

Aniya sa caption ng bonding moment nila ng anak, “I LOVED you even before I met you… Waited soooo long to meet you.
“Was going over photos and videos I took over 2 months ago when we 1st met.

“You were so tiny…

“1/3rd of what you are today!

“I took your hand and made a promise – to ️ you forever.”

Pinusuan ng maraming netizens ang madamdaming hugot ni Alice at karamihan sa mga nagkomento ay nagsabing naiyak sila habang binabasa at pinanonood ang video nilang mag-ina.

Ayon sa 51-year-old actress at dating beauty queen, sinundo niya sa Amerika si Baby Aura na nabuo sa pammagitan ng surrogacy. Nang bumalik siya sa Pilipinas ay kasama na niya ang sanggol.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending