Hiwalay na nga ba si Rabiya sa non-showbiz dyowa? | Bandera

Hiwalay na nga ba si Rabiya sa non-showbiz dyowa?

Reggee Bonoan - May 26, 2021 - 05:04 PM

HINDI nga ba pabor ang boyfriend ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na si Neil Salvacion sa plano nitong pagpasok sa mundo ng showbiz?

Isa kasi ito sa itinuturong dahilan kung bakit biglang tinanggal ng binata ang mga larawan nila ng kanyang girlfriend sa kanyang Instagram account.

Napansin kasi ng netizens ang pagkawala ng mga larawang magkasama sina Rabiya at Neil na kahit na anong tanong kung hiwalay na sila ay hindi nito sinasagot.

Kapansin-pansin ang ipinost last week ni Neil na black and white photo niya habang nakatingin sa malayo na tila nag-iisip. May caption ito na, “Okay ka lang?”

Natapos na ang 69th Miss Universe pageant at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ng bansa si Rabiya dahil marami pa siyang personal commitment tulad bukas kung saan may exclusive meet and greet siya sa OSkin Medspa, Cerritos Mall sa ganap na 3 p.m. para pasalamatan ang kanyang supporters na nasa Los Angeles, California.

Anyway, may isa pang larawan na  ipinost si Neil ilang oras pa lamang ang nakararaan. Makikita rito ang sunset photo na mat caption na, “chasing sunsets.”

Nag-comment naman si @paopneda dito, “Kuyaa as a fan. Marami po kaming malulungkot sa inyo ni Ate Rab if wala na. I know theres a great things ahead to the both of u. Pakatatag po!”

Kaagad namang sinagot ni @mischapauleen si @paopneda, “sila pa po.”

Sabi ng iba na may “privacy issue”  lang ang dalawa dahil nga naba-bash ngayon si Rabiya at gusto nilang magdyowa na maging pribado na lang.

May nagsabi ring huwag mag-alala ang supporters nina Neil at Rabiya dahil pareho pa naman nilang pina-follow ang isa’t isa.

Anyway, mukhang maganda naman ang gising ni Neil kaninang umaga dahil muli siyang nag-post ng larawan ng “blue skies” na ang caption ay, “Maayong aga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending