Yassi bagong game show ng TV5 ang kapalit ng pag-alis sa 'Probinsyano' | Bandera

Yassi bagong game show ng TV5 ang kapalit ng pag-alis sa ‘Probinsyano’

Reggee Bonoan |May 25,2021
facebook
share this

Yassi bagong game show ng TV5 ang kapalit ng pag-alis sa ‘Probinsyano’

Reggee Bonoan - May 25, 2021 - 02:21 PM

NAMAMAOS si Yassi Pressman nang humarap sa virtual mediacon ng bagong game show ng TV5 na “Rolling In It Philippines” na nagmula sa United Kingdom handog ng Viva Television, Sari-Sari at Cignal TV at magsisimula na sa Hunyo 5.

Ang “Rolling In It” ang dahilan kaya kinailangang lisanin ni Yassi ang “FPJ’s Ang Probinsyano”, matagal na raw niyang commitment ito dahil tinawagan pa siya mismo ng taga-UK at naghahanap ng host para sa show.

Kuwento ni Yassi, malaking challenge sa kanya ang maging game show host dahil wala naman siyang karanasan dito.

Hindi naman itinanggi ng dalaga na may mga hiningan siya ng advice para sa unang pagsabak niya sa pagiging host.

“Si Robi (Domingo) po, binigyan niya ako ng napakaraming pointers like sabi niya, ‘just be yourself, just have fun.’ Meron pa siyang mga nakakatawang sinabi pero hindi ko na po ikukuwento. Thank you Robi,” say ni Yassi.

Inamin din niyang risk-taker siya sa lahat ng bagay kaya natanong din siya kung ang pag-alis niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay isang malaking risk sa parte niya.

“That was…pero that happened din po kasi because of schedule dahil mahirap na rin po ituloy ‘yung lock-in kaya sobrang thankful po sa Dreamscape, ABS-CBN all of my bosses and especially kay Coco (Martin) na gumawa ng script.

“Nangako po siya na magkakaroon ng magandang exit si Alyana (karakter niya sa serye). I appreciated his appreciation na maganda ‘yung impact sa kanya ni Alyana. Sana patuloy pa rin ninyong suportahan ang Probinsyano sa TV5,” paliwanag ng aktres.

At dahil may mga celebrity na makaka-partner ang contestants ng “Rolling In It Philippines” ay natanong si Yassi kung sino ang gusto niyang makitang maglalaro mula sa Kapamilya channel since napapanood na rin naman ang mga programa nila sa Kapatid network.

“I would love to have my family, of course, my Ang Probinsyano family if they can guest. Ang dami po, sina Alex (Gonzaga), kahit po sino puwede,” sagot ng dalaga.

Si Coco ang gustong mapanood ng Coco-Yassi supporters sa bagong game show ng TV5, “Alam ko po may lock-in taping silang mahabang-mahaba so, baka tapos na ‘yung show namin. Or maybe after,” sambit ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, pangarap din palang maging talkshow host ni Yassi at kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay hindi niya ito palalampasin. Hayan Viva TV, baka naman posibleng sa susunod ay talkshow naman ang pagkaabalahan ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending