Kathryn hindi agad magbubuntis kapag ikinasal na sila ni Daniel | Bandera

Kathryn hindi agad magbubuntis kapag ikinasal na sila ni Daniel

Ervin Santiago |May 24,2021
facebook
share this

Kathryn hindi agad magbubuntis kapag ikinasal na sila ni Daniel

Ervin Santiago - May 24, 2021 - 12:59 PM

BUKAS, May 5, ipagdiriwang nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang 9th anniversary bilang magkasintahan.

In fairness, talagang taun-taong inaabangan ng milyun-milyong KathNiel fans kung paano ise-celebrate ng Kapamilya couple ang isa sa mga espesyal na araw sa kanilang buhay.

Marami ang nagsasabi na sa tagal na nilang magkarelasyon ay pwedeng-pwede na silang magpakasal, bukod pa sa pareho na silang financially stable ngayon dahil sa dami na rin ng kanilang investments.

Ayon kina DJ at Kath, totoo namang napag-uusapan na nila ang kanilang future together pero sa ngayon daw ay talagang wala pa sa top priorities nila ang pagpapakasal. Ngunit anila, isa na nga sa pinaghahandaan nila ang pagbuo ng sariling pamilya.

Sa pakikipagchikahan ni Kathryn kay Robi Domingo na mapapanood sa bagong vlog ng TV host sa kanyang YouTube channel, naibahagi ng aktres ang mga plano nila ni Daniel kung sakaling dumating na ang tamang panahon ng kanilang pagpapakasal.

Sabi ni Kath, kailangang magkaroon mula sila ng sariling bahay para sa kanilang magiging pamilya.

“Kasi feeling ko once you’re married and you are starting a family na or ‘yung relationship na ‘yon on a deeper level, I think you need your space,” pahayag ng Box-Office Queen.

Aniya pa, “Kasi gusto ko enjoy muna namin. Hindi kami naka-travel ngayon, so ‘yun ang gagawin. Then once I’m ready, once we’re ready, no pressure naman na magbe-baby agad after.”

Lahad pa ng girlfriend ni DJ, naniniwala siya na hindi dapat diktahan o pakialaman ang desisyon ng mga taong nagpakasal kung kailan nila gustong magka-baby.

“Iba-iba ‘yung couple, kanya-kanyang time ‘yan. We’re taking it day by day kung ano man ang mangyayari,” sey ni Kathryn.

Sa isang panayam naman kay Daniel, sinabi nitong hindi niya minamadali si Kathryn na magpakasal, “Pero ang sa akin lang, ‘wag lang tayong mali-late. ‘Yon lang ang sa akin.

“Alam mo na ang sinabi ko sa ’yo. Minsan, ang dami mong gustong gawin, hindi mo napapansin napag-iwanan ka na.

“Minsan, puro na lang tayo, ‘Gusto pa natin ‘to, gusto pa nating gawin ‘to.’ Magigising ka na lang, tapos sasabihin mo sa sarili mo, ‘Naiwan na ako.’

“Kaag ready na tayo, pero may pinag-usapan na tayo dapat, ‘di ba? Hindi na tayo pwede ma-late pa du’n. Mahirap ‘pag pinagsisihan mo. Tandaan mo hindi nababalik ang oras,” pahayag pa ni DJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon pa sa celebrity couple, gusto nilang magkaroon ng dalawang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending