BTS target na masungkit ang Grammy sa bagong single na 'Butter' | Bandera

BTS target na masungkit ang Grammy sa bagong single na ‘Butter’

- May 22, 2021 - 12:31 PM

bts-grammy

Photo from the Instagram of BTS

SEOUL–Target ng South Korean megaband na BTS na makasungkit ng Grammy Award ngayong taonsa bago nitong single na “Butter.”

Maituturing na tagumpay na rin na noong 2020 ay na-nominate ang grupo sa prestihiyosong award-giving body sa Amerika. At bagamat hindi nila naiuwi ang tropeo, naitala pa rin sa kasaysayan ang BTS bilang kauna-unahang Korean pop group na makakuha ng nominasyon sa Grammy.

“Of course we would like to win a Grammy. That’s still valid and we are aiming to work for it once again with ‘Butter,’ and hoping for good results,” sinabi ng songwriter at rapper na si Suga sa news conference sa Seoul.

Sinabi niya na ang “Butter,” ang ikalawang single ng grupo na nasa wikang English kasunod ng “Dynamite,” ay isang funky summer track.

Itatanghal ng BTS ang bagong kantang ito sa  2021 Billboard Music Awards sa darating na Lunes, kung saan ang grupo ay nakakuha ng mga nominasyong sa apat na kategorya, kabilang na ang top duo/group at top selling song para sa  “Dynamite.”

Ayon sa bokalistang si Jimin, nalulungkot ang  BTS na hindi nito makakasama ang mga fans para sa ika walong anibersaryo ng grupo sa susunod na buwan. Virtual lamang ang gagawing selebrasyon sa halip na live concert dahil na rin sa umiiral na pandemya ng Covid-19.

“I’ve felt somewhat isolated being unable to see fans due to the current situation, but we continue to think hard about how we can show our different aspects and satisfy them,” wika niya.

Ayon naman sa leader at rapper na si RM: “For us, the biggest topic is what function BTS can serve, why we exist and which values we should pursue under this new normal era and for the industry.”

Mula sa ulat ng Reuters

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending