Vice nganga sa leading lady ni Ion: OMG! Mas maganda ka sa akin in person! | Bandera

Vice nganga sa leading lady ni Ion: OMG! Mas maganda ka sa akin in person!

Alex Brosas |May 18,2021
facebook
share this

Vice nganga sa leading lady ni Ion: OMG! Mas maganda ka sa akin in person!

Alex Brosas - May 18, 2021 - 02:14 PM

MUKHANG nagulo ang set ng “It’s Showtime” nang mag-guest recently ang sexy star na si Sunshine Guimary.

Napansin kasi ni Vice Ganda ang isang cameraman na nakatutok sa beauty ni Sunshine at parang concentrated lang siya sa dalagang co-star ni Ion Perez sa isang pelikula.

Walang inaksayang oras si Vice at sinita niya ang cameraman as reported by a website.

“Tiyang Amy wait lang ha, wait lang ha,” say ng TV host-comedian sabay turo sa cameraman.

“Ito po ‘yung camera oh! Ito yung camera sir oh! ‘Di ba dapat ‘yung mata mo dito, sir oh! Sir naman, kaya hindi mo maputol ‘yung mga host dito kasi ito ‘yung camera, sir oh!

“Sunshine ginulo ang trabaho ng mga tao dito, mga cameraman ngiting-ngiti pero ‘pag kami nagtatrabaho kamot kayo nang kamot ng ulo,” talak pa ni Vice Ganda.

Iba rin kasi ang alindog ni Sunshine na ilo-launch sa pelikulang “Kaka.”

“Oh my God! Mas maganda ka sa akin in person!” say ni Vice Ganda na manghang-mangha sa kaseksihan ni Sunshine.

“Ang ganda niya sa personal! Mukha siyang Miss Colombia, ‘yung mga Latina beauties sa Miss Universe, ganon!” dagdag pa ng “It’s Showtime” host.

“Nakakaloka ‘yung balakang! Ta’s naka-face mask na ako, naaamoy ko siya, ang bangu-bango niya! Buti na lang tapos na ‘yung pelikula niyo!” dagdag pa ni Vice Ganda na ang tinutukoy nga ay ang movie ni Sunshine at ng boyfriend niyang si Ion.

* * *

Nakahanap ng karamay sina Rafa (Kyle Echarri), Pio (Seth Fedelin), Joy (Francine Diaz), at Mira (Andrea Brillantes) sa isa’t isa habang lumalalim ang kanilang pagiging magkaibigan sa

“Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Dahil sa pagiging magandang impluwensiya ni Joy kay Rafa, mas naging matatag ito na patunayan ang sarili sa kabila ng pangmamaliit sa kanya ng kanyang lolo (Nonie Buencamino).

Unti-unti na ring napapalapit si Pio kay Mira, na madalas niyang alagaan at pakitaan ng kabutihang-loob.

Habang lumalalim ang kanilang samahan, nagkaisa rin ang bayan ng Hermoso sa pamamahagi ng kanilang donasyon sa isinagawang fundraising event ni Mira para sa pagpapatayo ng simbahan.

Nagsisimula na rin ang pananaliksik ng investigative journalist na si Eva (Mylene Dizon) tungkol sa ginawang himala nina Mira at Joy sa isang pulis, habang susubukang mapalapit si Miguel (RK Bagatsing) kay Eva para magamit niya ito sa pangangampanya niya bilang mayor.

Paniniwalaan ba ni Eva ang milagro nina Mira at Joy? Ang pagkakaibigan ba nina Rafa, Pio, Joy, at Mira ang magiging sagot sa kanilang mga pagsubok?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending