Yam pinayagang isama sa US ang alagang aso pero may mga 'kundisyon' | Bandera

Yam pinayagang isama sa US ang alagang aso pero may mga ‘kundisyon’

Reggee Bonoan - May 18, 2021 - 02:03 PM

NASA New York City, USA ngayon ang lead actress ng teleseryeng “Init sa Magdamag” na si Yam Concepcion kasama ang kanyang fur baby na si Tiny.

Nagtungo roon ang Kapamilya star para makapiling muli ang kanyang long-time boyfriend na si Miguel Cu-Unjieng.

Pero bago umalis ng Pilipinas si Yam ay kinumpleto niya ang dokumento ni Tiny at pinalagyan ng microchip na isa sa requirement kapag magta-travel abroad, bukod sa vaccination, health certificate, expert permit mula sa Bureau of Animal Industry.

Kuwento ni Yam habang patungo sila ni Tiny sa vet sa kanyang YouTube channel, “Tiny is flying with me not as my emotional support dog but as my pet, Korean Air at bibili ka ng ticket worth $300 for one-way.”

Pagkatapos i-inject ang microchip sa kanyang pet dog ay grabe raw ang pakiramdam ng aktres, “Hindi ako makahinga, ako ‘yung kinabahan at hindi na ako nakapag-video nu’ng i-microchip si Tiny at hindi siya umiyak. Sobrang gaan ng kamay ni Doc Carlo. Tiny is such ang good girl hindi man lang umiyak.”

Bago ibinyahe ni Yam ang kanyang fur baby ay nag-train muna ito sa kanyang carrier para masanay sa loob ng isang buwan. “And yes wish us luck on May 6, Tiny first flight to the US,” saad pa ng dalaga.

Nasa first class section sina Yam at Tiny at ang maganda pa rito ay walang gaanong pasahero noong umalis sila patungong New York City.

Base sa napanood namin sa YT channel ni Yam ay idinokumento niya ang lahat ng lugar na pinuntahan nila ni Miguel kasama si baby Tiny mula sa famous Central Park, Upper East side ng Manhattan, sa pamimili nila sa Costco supermarket, hanggang sa sightseeing moment nito sa buong New York habang nasa terrace sila ng bahay nila sa NYC.

Anyway, mukhang magtatagal sa Amerika sina Yam at Tiny dahil tapos na pala ang taping ng “Init sa Magdamag” dahil noong nakaraang taon pa pala ito nasimulan. Umere noong Abril ang serye nina Yam Gerald Anderson at JM de Guzman at magtatapos sa Oktubre ngayong taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending