Vice todo pasalamat kay Rabiya; Ariella nasayangan sa mukha ni Miss Philippines | Bandera

Vice todo pasalamat kay Rabiya; Ariella nasayangan sa mukha ni Miss Philippines

Ervin Santiago |May 17,2021
facebook
share this

Vice todo pasalamat kay Rabiya; Ariella nasayangan sa mukha ni Miss Philippines

Ervin Santiago - May 17, 2021 - 05:58 PM

“MABUHAY ka, Rabiya! Mabuhay ang kagandahan ng Pilipinas!” Yan ang ibinanderang mensahe ni Vice Ganda pagkatapos ng grand coronation night ng 2020 Miss Universe na ginanap sa Florida, USA ngayong araw.

Nagpasalamat si Vice sa pambato ng Pilipinas sa katatapos lang na 69th edition ng Miss Universe sa episode kanina ng “It’s Showtime” pati na ang iba pang hosts ng Kapamilya noontime show.

“Today nga ang pinakamagandang araw sa buong universe dahil sa katatapos lang na Miss Universe 2020. Yes! Congratulations sa ating pambato,” pahayag ng TV host-comedian.
Dagdag pa niyang mensahe sa Pinay beauty queen, “At maraming-maraming salamat for representing the Philippines and the entire society of the Filipinos, Ms. Rabiya Mateo,”

“Congratulations! And thank you very much sa iyo sa pagmamalas ng iyong talino at ganda at pagbibigay ng karangalan para sa pinakamamahal nating bansa. Mabuhay ka, Rabiya! Mabuhay ang kagandahan ng Pilipinas!” pahabol pa ni Vice.

Hirit naman ni Vhong Navarro, “Kaya naman Rabiya — we Rabiy-u!”

Habang nagaganap ang pageant, ipinaramdam na ni Vice sa buong universe ang pagsuporta niya may Rabiya sa pamamagitan ng pagpo-post ng mensahe sa kanyang Twitter account.

Samantala, nalungkot at nanghinayang din ang beauty queen-TV host na si Ariella Arida nang nalaglag agad si Rabiya sa Top 10. Umabot lang ang bet ng Pilipinas sa Top 21.

“Sobrang nanghihinayang ako. Nasasayangan talaga ako sa mukha ni Rabiya. Parang for a representative sa Miss Universe, gandang ganda kasi talaga ako sa kanya,” ani Ariella sa panayam ng ABS-CBN.

“Kita ko naman ‘yung hard work niya kung paano niya nilaban ‘yung competition. Siguro I would comment lang, kung ako ‘yung judge, medyo napansin ko na kung hindi ko siya kilala, parang kinakabahan ng kaunti.

“Hinihintay ko kasi siya mag-smile talaga kasi doon siya nag-glo-glow, even the eyes. Serious look (siya the whole swimsuit round). Pero sobrang ganda niya, ang ganda ng makeup, perfect look. So baka kinabahan siya during that time,” ani Ariella.

Pahayag pa niya, “I don’t know kung ano ‘yung nasa isip niya kasi mahirap din talaga. It’s a battle of mindset rin talaga when you’re there.

“But overall, top 21 finish, sobrang hirap na makapasok doon. To think na ang daming candidates na akala natin strong contender pero hindi napasok sa Top 21. For her to be able to be part of Top 21, it’s something to be proud of,” papuri pa niya kay Rabiya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Miss Mexico Andrea Meza ang itinanghal na 2020 Miss Universe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending