Rabiya nag-sorry matapos rumampa sa National Costume competition ng Miss U: I even cut my finger…
MALUHA-LUHANG nag-sorry si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa sambayanang Filipino matapos rumampa sa National Costume competition ng Miss Universe 2020.
Feeling kasi ng dalaga, marami ang “disappointed” sa naging performance niya on stage habang ibinabandera sa buong mundo ang kanyang national costume.
Emosyonal na nagbigay ng mensahe si Rabiya sa mga Filipino sa pamamagitan ng isang maikling Instagram live session ngayong araw ilang oras matapos ang ginanap na national costume competition.
“I’m so sorry kung na-disappoint man kayo sa akin. But I know na I did my best. I even cut my finger earlier and ‘yung stockings ko puno na rin siya ng dugo. But I kept fighting,” emosyonal na paliwanag ng Pinay beauty queen.
Pagpapatuloy pa niya, “Kahit wala nang oras, I didn’t have time to retouch my hair, to retouch my makeup.
“I was running for pins, I was running for scissors, for everything, just to be able to execute the costume really well,” sabi pa ni Rabiya.
Ngunit sa kabila nito, naniniwala ang dalaga na ibinigay niya ang kanyang puso, isip at kaluluwa habang inirarampa ang suot na national costume.
“Maraming, maraming salamat talaga, guys. I felt really great. Feeling ko noong naglalakad ako, I was so beautiful. Nakita ko ‘yung cheer ng mga judges, nakita ko ‘yung sigawan ng mga Pilipino, kaya nagpapasalamat talaga ako sa suporta,” pahayag niya.
Dagdag pa niyang mensahe para sa lahat ng Pinoy all over the universe, “Sana maging proud din kayo sa akin. Kasi it’s never easy pero kinakaya ko para sa inyong lahat.”
Samantala, kinumpirma rin ni Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup na hindi naisuot ni Rabiya ang kanyang headpiece.
Ngunit naniniwal si Shamcey na isang “powerful performance” ang ipinakita ni Rabiya sa stage.
Nakatakdang ganapin ang preliminary competition ng pageant bukas at sa Lunes nang umaga naman ang grand coronation night.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.