Detalye ng kasal nina Tom at Carla kalat na matapos ianunsyo ng simbahan sa FB | Bandera

Detalye ng kasal nina Tom at Carla kalat na matapos ianunsyo ng simbahan sa FB

Ervin Santiago |May 13,2021
facebook
share this

Detalye ng kasal nina Tom at Carla kalat na matapos ianunsyo ng simbahan sa FB

Ervin Santiago - May 13, 2021 - 10:02 AM

KALAT na sa social media ang ilang detalye tungkol sa gaganaping church wedding ng Kapuso couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Ito’y matapos inanunsyo ng isang simbahan ang marriage banns ng engaged couple sa pamamagitan ng Facebook kahapon kung saan naka-post pa ang kanilang mga litrato.

Makikita sa FB status ng Parokya ni San Guillermo na matatagpuan sa Batangas ang titulong “Tawag sa Ikakasal” kung saan nakasulat nga ang eksaktong petsa ng kasal nina Tom at Carla.

Narito ang kabuuang anunsyo ng simbahan: “Mr. BARTOLOME MOTT, 33 y/o

“Father: William Mott

“Mother: Teresita Abinguna

“Address: Quezon City.”

Makikita sa ibaba ng litrato ni Tom ang litrato naman ni Carla kung saan nakasulat ang: “Ms. CARLA ANGELINE ABELLANA, 34 y/o.

“Father: Reynaldo Abellana

“Mother: Ma. Aurea Ingrid Reyes

“Address: Quezon City.”

Nakalagay nga rito ang “October 23, 2021” at “Madre de Dios Chapel, Tagaytay Midlands” na siyang petsa at venue ng kasal.

Sa comments section ng nasabing FB post, libu-libo na ang nag-like at bumati sa celebrity couple at nagpahayag ng kasiyahan sa nakatakdang pagpapakasal ng dalawang Kapuso stars.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Carla sa kanyang Instagram Story na ang pagpo-post ng wedding bann sa socme ay isa sa mga Church requirement sa pagpapakasal.

“A wedding bann is a Church requirement for Catholics getting married in any and all Catholic Churches in the Philippines. It is a necessary step to be able to secure a wedding permit,” lahad ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, nag-propose si Tom kay Carla noong October, 2010 ngunit in-announce lamang nila ito sa publiko nitong nagdaang Marso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending