Gladys Guevarra ikinasal na sa non-showbiz BF Bandera

Gladys Guevarra ikinasal na sa non-showbiz BF

Ervin Santiago |May 12,2021
share this

Gladys Guevarra ikinasal na sa non-showbiz BF

Ervin Santiago May 12,2021 - 02:55 PM

EKSAKTONG tatlong araw matapos ibandera ang kanyang engagement, ikinasal na ang comedienne-host na si Gladys Guevarra sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Ibinalita ni Gladys ang good news sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kalakip ang ilang litrato na kuha sa naganap na intimate wedding nila ni Mike Navarrete.

“I am now officially Mrs. Michael Guardian. Gladys Guevarra Guardian. My forever… I love you so much. Cheers to our love, for all eternity and beyond,” ang bahagi ng caption ng komedyana sa kanyang IG post.

Ayon pa sa dating host ng “Eat Bulaga”, excited na raw siya sa bagong yugto ng kanyang personal na buhay lalo na ang paggising sa umaga kasama ang lalaking pinakamamahal niya.

“Every day, masaya akong gigising sa, ‘Good morning, my wife’ na bati mo. Ang sarap kasi lagi mo kong pinapangiti sa tawag mo sa akin na Mrs. Guardian.

“This is the start of our life together. Sobra kitang mahal… Asawa ko,” mensahe pa ni Gladys.

Bukod sa kanyang fans and social media followers, ilang celebrities din ang bumati kay Gladys sa kanyang wedding day kabilang na sina Marian Rivera, Lotlot de Leon, Rocco Nacino, Lovely Abella, Kris Bernal, Tuesday Vargas at marami pang iba.

Kamakailan, inanunsyo nga ni Gladys na engaged na siya sa kanyang partner with their photo of  her fiancé. Aniya sa caption,  “Fairytales do really happen…And then, he asks me if i will marry him.

“Yes, I will marry you Mahal! I love you Mike!” sabi pa niya gamit ang mga hashtag na #michaelandgladys, #4G, #g12ubbt, #relationshipgoals, #thisisit, #willyoumarryme, #2021at #bride.”

Bago nakilala ni Gladys si Mike, naging kontrobersyal muna ang break-up nila ng ex-dyowa niyang si Leon Sumagui matapos mag-away dahil sa pera.

Engaged na rin ang dalawa ngunit biglang naghiwalay nang dahil nga sa nasabing issue. Nag-Facebook Live pa noon si Gladys para ipaalam sa publiko ang tunay na dahilan ng kanilang matinding away.

In fairness ha, ang bilis ding maka-move on ng komedyana dahil ilang buwan lang matapos ang last relationship niya ay nakahanap na  agad siya ng bagong mamahalin at engaged na nga.

“I have come to realize that life must really continue. And that you are loved. And no matter how you felt once upon a time that you are worthless, there will still be someone out there looking for you to complete them.

“Ang happy kase, we both complete each other. Ang tagal kong pinigilan ang sarili ko, kinalaban ko ang loob ko. Pero sabi nga, hayaan lang and let it flow,” sabi pa ni Gladys.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending