Karen Davila natsismis na babalik na ng GMA 7 dahil sa 'tinola' Bandera

Karen Davila natsismis na babalik na ng GMA 7 dahil sa ‘tinola’

Ervin Santiago |May 12,2021
share this

Karen Davila natsismis na babalik na ng GMA 7 dahil sa ‘tinola’

Ervin Santiago May 12,2021 - 01:46 PM

MARIING pinabulaanan ng Kapamilya news anchor at TV host na si Karen Davila ang kumakalat na chika na lilipat na siya ng ibang TV network.

Nagsimula ang usap-usapan tungkol dito sa social media matapos mag-participate si Karen sa isang pa-survey ng GMA 7 na may kinalaman sa paboritong ulam ng mga Pinoy – ang chicken tinola.

Sa isang Facebook post ng GMA Public Affairs, natanong ang mga netizens kung ano ba ang mas masarap na isahog sa tinola – papaya o sayote.

Sumagot nga rito si Karen at sinabing mas gusto niya ang sayote sa tinola. At dahil nga rito, sunud-sunod ang tanong sa kanya ng mga netizens kung babalik na ba siya sa  GMA 7.

Agad namang nilinaw ng Kapamilya broadcast journalist sa pamamagitan ng social media ang issue at sinabing sinagot lang niya ang survey dahil favorite talaga niya ang tinola.

“Hello guys! Some people have been messaging me asking kung lilipat ako because I answered this survey. Sinagot ko lang kasi mahilig ako sa tinola!” paglilinaw ni Karen.

Aniya pa, nananatili pa rin ang kanyang loyalty sa ABS-CBN at wala siyang planong iwan ang network na kanyang pinaglilingkuran ngayon.

Sey pa ni Karen, “I am a Kapamilya and will stand by the company through its hardest time. Praying for better days ahead for all of us.”

Marami namang netizens ang sumang-ayon kay Karen na mas gusto nila ang sayote sa tinola kesa sa papaya dahil mas madali raw itong lumambot at mas malasa.

Comment naman ng ilang mahilig din sa nasabing Pinoy classic ulam, mas trip nila ang papaya dahil sa natural na tamis nito na nagko-complement sa lasa ng manok at ng luya.

Kayo ba dear, Bandera readers — Team Papata o Team Sayote?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending