Xian may sapat nang ipon para pakasalan at buhayin si Kim, pero... | Bandera

Xian may sapat nang ipon para pakasalan at buhayin si Kim, pero…

Reggee Bonoan |May 06,2021
facebook
share this

Xian may sapat nang ipon para pakasalan at buhayin si Kim, pero…

Reggee Bonoan - May 06, 2021 - 03:45 PM

AYAW ipabanggit ng taong gustong ipagtanggol si Xian Lim ang kanyang pangalan sa reaksyon ng isang netizen tungkol sa financial status ng aktor.

Ayon kay @fewgoodmen2021, “Xian still need to save up for future business na fall back n’ya. Most kaedad n’ya are into business na but s’ya ini-enjoy palang n’ya ‘yung mga bagay na di nya nabibili dati.”

Ito ang sagot ng netizen sa komento rin ng follower nina Xian at Kim Chiu na si @marilou0903 na nagsabing, “Hoping you get married soon” na sinang-ayunan din naman ng iba pang fans ng magkasintahan.
Anyway, ayon sa taong nagpadala ng mensahe sa amin na kasama sa circle ng mga realtors, kung gugustuhin ni Xian ay puwede na siyang mag-asawa, pero dahil pareho pa sila ni Kim na marami pang pangarap sa buhay ay isinasantabi muna nila ito.

Ang mensahe sa amin ng taong nagtanggol kay Xian, “Good am Reggee! May netizen’s comment po sa article nyo na sabi ‘Xian has to save for his future business na fall back niya.’

“Share ko lang po na sa circle ng mga realtors ay alam na Xian owns buildings for commercial lease. Low key lang si Xian and does not talk about it kaya hindi alam sa showbiz,” ayon pa sa aming kausap.

Naniniwala naman kami na posibleng may mga pag-aari nang mga building ang aktor na pinauupahan niya dahil alam naman sa mundo ng showbiz kung gaano katipid ang binata.

At nagbunga naman, dahil kita n’yo nga may passive income siya sa panahon ng pandemya lalo’t pahirapan pa sa taping at shootings ngayon.

Bilib nga kami kay Xian dahil sobrang sipag niya, kapag mahaba ang oras niya ay nagpe-paint siya at saka niya ito ibinebenta. O, di ba, another income nga naman mula sa hobby niya.

Kaya kung magtuluy-tuloy sila ni Kimmy ay sigurado naman kaming mabibigyan niya ng magandang buhay ang aktres kahit pa pareho silang breadwinner ng kanilang respective families.

At malay n’yo naman, may sapat nang ipon si Xian para sa pagbuo ng sariling pamilya ngunit iniisip lamang niya na hindi pa ito ang tamang panahon para magpakasal sila ni Kim dahil alam niyang marami pang pangarap ang aktres na nais nitong maisakatuparan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending