Pia may ipinahiram na ‘agimat’ kay Rabiya para swertehin sa Miss Universe
MAY dala-dalang “agimat” si Rabiya Mateo na gagamitin niya para mas lumakas ang kanyang powers sa pagrampa sa 2020 Miss Universe pageant.
Sa darating na May 16 na magaganap ang 69th edition ng Miss Universe sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, Florida, USA.
Nasa Amerika na ngayon ang representative ng Pilipinas at tuluy-tuloy pa rin ang ginagawang training sa pamamagitan ng virtual session with the organizers of Miss Universe Philippines.
In fairness, agaw-eksena na agad si Rabiya pagdating niya sa US dahil na rin sa paandar niyang mga pictorial. Isa na ngayon siya sa early favorites ng pageant kaya mas lumakas ang chance niyang mag-win.
Pero pag-amin ng dalaga sa isang panayam, “There is added pressure in being a crowd favorite. But now it’s all about destiny.
“That’s why I’m really praying hard that the stars will be aligned again for me on May 16. But I’m happy, it’s a good pressure,” chika ng dalaga.
Samantala, naikuwento nga ni Rabiya ang tungkol sa hikaw na ipinabaon sa kanya ni 2015 Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach bilang “lucky charm.”
“This is a funny story kasi parang may hula na sabi na if you really want to win, dapat manghingi o manghiram ka ng gamit from the former Miss Universe winners,” sey ni Rabiya sa nasabing interview.
“So ako talaga hindi na ako nahiya, nag-message ako kay Ms. Pia. Sabi ko, ‘Ms. Pia baka meron ka namang something na mapapahiram sa akin?’
“I mean there’s nothing wrong about it. I just want to make sure na at least wala akong pinalagpas na pagkakataon and Ms. Pia is so kind, ipinahiram niya sa akin ‘yung earrings na ginamit niya during the Miss Universe pageant in 2015. So iyon ‘yung parang agimat na dala-dala ko ngayon,” lahad pa ni Rabiya.
Ang kanyang pamilya, lalo na ang inang si Christine Mateo ang nagsisilbing inspirasyon niya para masungkit ang Miss Universe crown.
“’Yung mom ko kasi she will always remind me to have a humble heart, that regardless of the result, she is already proud of me.
“Wala naman kaming background sa show business so this is all new to us and iba rin ang epekto sa nanay kapag nakikita niya ang anak niya in the spotlight, sometimes nabu-bully, sometimes naba-bash.
“But my mom will always tell me that regardless of the results, you made a lot of Filipinos proud and kung ikaw ‘yong manalo, have the heart to accept the responsibility. Pero ‘pag hindi ikaw, you still continue with your purpose in life,” pahayag naman ni Rabiya sa panayam ng GMA.
Ang tanong: si Rabiya na nga kaya ang panglimang Miss Universe ng Pilipinas na magiging kahilera na nina Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018)? Yan ang ating aabangan at ipagdarasal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.