Aiko 2 beses nang na-starstruck: Una kay Ms. Maricel Soriano, pangalawa kay Ms. Marian Rivera! Bandera

Aiko 2 beses nang na-starstruck: Una kay Ms. Maricel Soriano, pangalawa kay Ms. Marian Rivera!

Ervin Santiago |May 03,2021
share this

Aiko 2 beses nang na-starstruck: Una kay Ms. Maricel Soriano, pangalawa kay Ms. Marian Rivera!

Ervin Santiago | May 03,2021 - 10:39 AM

INAMIN ni Aiko Melendez na super kinilig at na-starstruck siya sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Talagang nagba-blush ang award-winning actress habang ini-interview si Marian para sa kanyang vlog sa YouTube. Aniya, isa ang misis ni Dingdong Dantes sa iilang artistang idolo niya sa showbiz.

Pahayag ni Aiko, “I’m so, so excited to a point na nagba-blush ako kasi alam naman natin lahat na I’m very, very vocal na sa talang buhay ko bilang artista, dalawang beses na akong na-starstruck.

“Isang beses kay Ms. Maricel Soriano, pangalawa dito sa iinterbyuhin ko, Ms. Marian Rivera-Dantes,” pagpapakilala ng aktres sa kanyang guest.

Unang tanong ni Aiko kay Marian kung kumusta ang kanyang taping para sa drama-anthology show niya sa GMA na “Tadhana.”

“Naka-adjust na kami kahit paano saka very thankful din ako dahil ‘yung mga trabaho ko, nagagawa ko rito sa bahay.

“At very thankful din ako na ‘yung asawa ko ‘yung nagdi-direct sa akin, siya yung gumagawa nung mga dapat kong gawin outside,” tugon ni Marian.

Si Dingdong ang direktor ngayon ni Marian sa “Tadhana” habang naka-work from home siya, “Siyempre happy din ako na nandito ako (sa baha, kasama ko ‘yung mga anak ko, yung pamilya ko.

“Pero siyempre may mga sad part pa rin na pinagdadaanan natin ‘to, tapos sila nanay sa Cavite naka-ECQ, hindi makapunta sa bahay. Sabi ko nga, sana matapos na talaga (ang pandemya),” aniya pa.

Binanggit din ni Aiko na talagang pina-follow niya ang mga social media accounts ni Marian kaya updated siya sa mga kaganapan sa buhay ni Marian.

Tanong ni Aiko, “Marian, I’m just curious, a. Like I’ve said, I’ve been very vocal, is there any day na pangit ka? Parang wala kang anggulo na pangit.”

Natatawa namang sagot ni Marian, “Sandali, ha, tatanungin ko ‘yung asawa ko, ah. Tatanungin natin mamaya, tawagin ko.”

Marami naman ang nag-comment na sana’y pagsamahin ng GMA sina Aiko at Marian sa isang teleserye dahil siguradong aabangan daw ito ng Kapuso viewers.

May mga nag-suggest pa nga ng iba’t ibang tema at kuwento para sa posibleng pagsasama ng dalawang aktres sa isang proyekto in the future.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending