Gabbi Garcia inakalang baby boy noong ipinagbubuntis ng ina; ipinangalan kay Gabriela Silang | Bandera

Gabbi Garcia inakalang baby boy noong ipinagbubuntis ng ina; ipinangalan kay Gabriela Silang

Ervin Santiago - April 27, 2021 - 02:03 PM

MARAMING rebelasyon ang Kapuso actress at TV host na si Gabbi Garcia tungkol sa kanyang kabataan, kabilang na riyan ang ilang trivia about her personal life.

May naisip na paandar ang dalaga para sa bago niyang vlog sa YouTube kung saan nagbigay siya ng ilang detalye hinggil sa mga na-experience niya noong bata pa siya.

Sa halip na basahin lamang at sagutin ang mga assumptions sa kanya ng kanyang mga tagasuporta, nilagyan ni Gabbi ng twist ang challenge na ito sa pamamagitan ng kanyang super throwback photos.

“Last week, I was busy cleaning my room kasi ang tagal na natin stuck sa house. And that’s when I found my old baby photos.

“Nakaka-throwback siya kasi I really had a great childhood. I remember my sister was my bestest friend growing up, tapos close kami ng family ko. We would often travel and create memories together. So baon baon ko siya ngayon,” pahayag ng girlfriend ni Khalil Ramos.

Aniya, “Naisip ko na, I could share my childhood memories with you through my old photos. So, I posted my old photos on my IG Stories and asked what your assumptions are about the young Gabbi.”

Sa isang bahagi ng video, nabanggit ng aktres na ang original name niya ay “Gabriel Luis Lopez.” Ang akala raw kasi ng nanay niya ay baby boy ang kanyang ipinagbubuntis.

Kuwento ni Gabbi, “Nasa tiyan pa lang ako ng mommy ko, she actually thought I was a boy. Kaya my original name dapat was Gabriel Luis Lopez.

“Feeling n’ya talaga boy ako kasi ang lakas n’yang kumain tapos ang likot-likot ko raw kasi lagi akong sumisipa.

“Kaya ayun, she prepared a name for a boy. Pero, as it turns out, I was a girl kaya ginawang Gabriella Louise Lopez.

“Centennial baby kasi ako kaya I was kinda named after Gabriela Silang. Strong at matapang. Let’s go, Gabriellas!” pahayag ng dalaga.

Sey pa ni Gabbi, 8.2 pounds daw ang timbang niya nang siya’y ipanganak, “Akala ni mommy masi-CS siya kasi parang ang laki-laki ko pero normal delivery naman. Sobrang nahirapan daw siya when I asked her.

“Mataba talaga ako nu’ng bata ako hence the name ‘Ba,’ which stands for batchoy. So that’s my nickname dito sa house,” chika ng Kapuso star.

Pagbabalik-tanaw pa niya, bata pa lang ay talagang magana na siyang kumain at hindi tulad ng ibang bagets, mahilig na raw siya noon pa sa gulay at prutas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Matakaw ako nu’ng bata ako kaya siguro hanggang matakaw ako ngayon kasi nasanay akong kumain ng mga ganu’ng pagkain. Matakaw since 1998,” masayang kuwento pa ni Gabbi sa kanyang vlog.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending