Bwelta ni Andrea kay Derek: If he truly respects me and my family, let us have our peace... | Bandera

Bwelta ni Andrea kay Derek: If he truly respects me and my family, let us have our peace…

Ervin Santiago |April 26,2021
facebook
share this

Bwelta ni Andrea kay Derek: If he truly respects me and my family, let us have our peace…

Ervin Santiago - April 26, 2021 - 02:07 PM

KINONTRA ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres ang pinagsasabi ng ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay tungkol sa ilang detalye ng kanilang paghihiwalay.

Ayon sa dalaga, sa pagkakatanda raw niya ay iba ang nangyari sa naging pahayag ni Derek sa panayam sa kanya ni Nanay Cristy Fermin kamakailan.

Nabanggit ng aktor na siya ang nakipaghiwalay kay Andrea sa pamamagitan lamang ng telepono at may kinalaman din sa break-up nila ang pamilya ng aktres dahil sa magkakaiba nilang paniniwala at pananaw sa buhay.

Reaksyon ni Andrea, hindi raw niya ma-gets ang motibo ni Derek sa patuloy na pagsasalita tungkol sa natapos nilang relasyon na dapat sana’y nananatili na lang pribado.

“I don’t see the significance of discussing details in public,” ang simulang pahayag ni Andrea sa panayam ng GMA.

Aniya pa, “I honestly have a different memory of what transpired and who ended it but I think it is not worth my time and energy because it will only turn into a ‘he said, she said’ thing.

“What good will come out of it? I have been focused on myself and what is happening in the world.

“For as long as I am at peace with God and myself and I can truly say that I have chosen to be a better person, I am fine and I have moved on. It’s been months. What’s the point?” dagdag ng aktres.

Hirit pa niya sa nasabing interview, “If he truly respects me and my family, let us have our peace.”

Samantala, limang buwan na ring walang dyowa si Andrea at ine-enjoy lang daw muna niya ang kanyang single life.

“Actually, wala namang pinagkaiba kung ano ako noong single at kung ano ako noong nasa isang relationship ako.

“I’m still the same person. It’s just now mas may focus na ko sa sarili ko. I’m trying new things para mas makilala mo rin ‘yung sarili mo. Baka meron pang mga hobbies na hindi pa na-e-explore,” paliwanag ng  dalaga na malapit nang mapanood sa bagong serye ng GMA, ang “Legal Wives.”

Dugtong pa niya, “Palagi naman akong may goals, ‘di nawawala ‘yan para, at least, kapag gumigising ka sa umaga, there’s always something to look forward to, ‘di ba?

“Ang goal ko ngayon talagang gusto kong magkaroon ng bahay at lupa para sa sarili ko. Gusto kong makapag-travel pa, gusto ko makapag-travel alone din na hindi ko pa nata-try na medyo takot akong gawin.

“And siyempre, ‘yung mga dreams ng family namin, ng parents mo o ng siblings mo, gusto mo rin maging part ng mga dreams nila. Sana mabigay ko ‘yun.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isa pang panayam, sinabi ni Andrea na hindi pa siya handang magmahal uli, “Usually kasi ‘pag ganito, binibigyan ko talaga ng time ‘yung sarili ko para maging mag-isa. Para kapag dumating ‘yung next, all out ulit.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending