Rabiya ipaglalaban ang edukasyon sa Miss U: What we need is not just a beauty queen with a pretty face... | Bandera

Rabiya ipaglalaban ang edukasyon sa Miss U: What we need is not just a beauty queen with a pretty face…

Ervin Santiago |April 23,2021
facebook
share this

Rabiya ipaglalaban ang edukasyon sa Miss U: What we need is not just a beauty queen with a pretty face…

Ervin Santiago - April 23, 2021 - 09:02 AM

EDUKASYON ang ipaglalaban ng kandidata ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020 pageant na magaganap na sa May 16 sa Florida, USA.

Ipinagdiinan ng Pinay beauty queen ang kahalagahan ng pag-aaral at college diploma sa lahat ng kabataan, lalo na para sa mga taong walang kakayahang pumasok sa eskwela.

Sa introduction video ni Rabiya para sa Miss Universe pageant, binanggit niya na ang edukasyon ang bumago sa kanyang buhay at nagbigay ng napakaraming oportunidad para maabot ang mga pangarap.

Bilang bahagi ng kanyang adbokasiya sa edukasyon, ilang mahihirap ngunit pursigidong estudyante na ang nabigyan ng tulong ni Rabiya nitong mga nagdaang buwan.

“Now I am a teacher and I hope that my students will see the value of education the way that I saw it,” bahagi ng pagpapakilala ng dalaga.

“I live in a country where there’s a lot of poor families, and education is our social equalizer.
“That regardless of what background you have, what status of your family, if you educate yourself, you will be able to land a great job,” ang ipinagdiinan pa ng kandidata ng Pilipinas sa nasabing international beauty pageant.

Nangako rin si Rabiya bilang ambassador for education ng Miss Universe Philippines organization, na ipagpapatuloy niya ang lahat ng kanyang adbokasiya para sa mga kabataan kapag nabigyan ng pagkakataon na maging Miss Universe.

“Because (what) we need nowadays is not just a beauty queen with a pretty face. We need phenomenal women who are not afraid to speak and to stand for the things that they believe in,” ang paniniwala pa ni Rabiya.
Kamakailan, sa isang video na kumalat sa social media, natanong si Rabiya na kumpletuhin ang phrase na, “I am Rabiya Mateo and I am…”

Sagot ng dalaga, “I am Rabiya Mateo and I am your next Miss Universe!” Na sinundan ng sigawan at palakpakan mula sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Kung matatandaan, pinakumpleto rin sa mga Pinay Miss Universe na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray ang nasabing pangungusap sa panayam sa kanila ni Boy Abunda.

Sey ng TV host-actress, “I am Pia Wurtzbach and I am Miss Universe 2015!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit naman ni Catriona, “I am Catriona Gray and I am Miss Universe 2018!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending