Matapos masangkot sa iskandalo...Tekla at Michelle nagkabalikan na? | Bandera

Matapos masangkot sa iskandalo…Tekla at Michelle nagkabalikan na?

Reggee Bonoan |April 22,2021
facebook
share this

Matapos masangkot sa iskandalo…Tekla at Michelle nagkabalikan na?

Reggee Bonoan - April 22, 2021 - 03:49 PM

MADALAS pa rin palang magkita ang komedyanteng si Tekla at ang nanay ng anak niyang si Angelo na si Michelle Lhor Bana-ag.

Kaya ang tanong sa kanya ng kanyang kaibigang si Donita Nose at kung nagkabalikan na nga ba silang dalawa.

Matatandaang nagreklamo kay Raffy Tulfo si Michelle dahil sa pambabastos umano sa kanya ni Tekla hanggang sa naghiwalay na sila nang tuluyan. Pero may kasulatang susustentuhan ng komedyante ang kanilang anak.

Sa YouTube channel ng magkaibigang Tekla at Donita Nose ay in-on-the spot ng huli ang una sa tanong kung nagkabalikan na sila dahil nga madalas silang magkita.

Sa “Prangkahang Mukbang” vlog nila ay nabanggit ni Tekla na hindi siya masaya dahil wala siyang karelasyon kaya natanong siya ni Donita ng, “Kung wala kang dyowa, bakit kayo nagkikita ni Michelle? Bakit kayo nagkikita ulit?”

Nagpaliwanag naman si Tekla na nag-aabot kasi siya ng panggastos ng anak na nasa pangangalaga ngayon ni Michelle.

Pero tila hindi ito kinagat ng fans at nagsabing hindi na nila susuportahan ang vlog ng magkaibigan.

Mabuti na lang ay nalinaw ito ni Tekla sa livestream nila ni Donita Nose nitong Abril 17.

Say ni Tekla, “Hindi ko kaagad nasagot si Donita that time pero alam naman namin ‘yon, e. Alam naman natin lahat kung anong nangyari so hindi ko na dapat i-explain e, ‘di ba? Makulit lang kasi si Donita.”

“Kasi ganito ‘yon. Magkasama kami sa bahay. So ako ang nakakaalam kung ano ang ginagawa n’ya madalas, ‘yong kinikilos n’ya alam ko.

“So, kung may mali siyang ginagawa, once and for all, magkasama kami sa isang bahay, kino-correct ko kaagad kung meron man. Pero pag wala, wala akong pakialam.

“Ngayon, kapag umaalis siya tinatanong ko, ‘Saan ka pupunta?’ ‘Kay Michelle.’ Kasi nga ang pinupuntahan mo ay (ex-dyowa),” pahayag naman ni Donita Nose.

Mabilis na sagot ni Tekla, “Siyempre ‘yong anak ko.”

Dugtong pa niya, “Eto na lang. Ang kondisyon po kasi ni Angelo ay napakaselan. Unang-una, may cleft palate siya. Parang bingot pero sa loob. Biyak ang kanyang ngala-ngala. So hindi siya nakaka-intake ng food directly.

“Kinakabitan s’ya ng NGT (Nasogastric tube). ‘Yong NGT na ‘yon, from time to time nahihila n’ya so kailangang dalhin sa clinic para ikabit. Ganu’n ka-vulnerable, ganu’n kaselan po ang sitwasyon ni Angge (tawag sa anak).”

Inayunan naman ni Donita ang paliwanag ni Tekla, “Oo. ‘Yon ang sinabi n’ya. Sabi ko kasi sa kanya alis siya nang alis, ‘Te, si Angge, ganito, ganyan, ganyan.’

“Ipinakita n’ya sa akin ang mga pictures. Naintindihan ko naman. Kaya ko siya kinuwestiyon nang ganu’n madalas siyang umaalis.

“Baka mamaya, dumating na naman sa point na magkabalikan na naman sila (Michelle). Kaya tinanong ko siya that time para maamin n’ya sa inyo (manonood).

“Na ano? Kayo na ba? Nagkabalikan na ba kayo?’ Tinitingnan n’ya lang ako na parang naiinis na siya sa akin. Nabubuwisit siya pero hindi n’ya masagot agad,” katwiran ni Donita.

“Wala. Hindi kami magkasama. To clear lang sa issue, wala po. ‘Yang kay Michelle is may malaking parte ako dian na responsibilidad,” paliwanag muli ni Tekla.

Humirit ulit si Donita Nose,  “Mabilisang sagot, Tekla. Kayo ni Michelle o hindi?”

Sagot kaagad ni Tekla, “Hindi.”

Tanong ulit ni Donita Nose, “May relasyon kayo o wala?”

“Wala,” sagot ni Tekla.

Dagdag pa, “Kahit sa anong batas naman po, kahit na ikaw ‘yong pinakamayaman na tao, mapera ka, maimpluwensya ka, ganu’n po katibay ang batas natin pag dating sa kustodiya ng bata.

“Sa mother talaga. Pag ang mother hindi able (hindi kayang alagaan). Hindi ko na ‘yon kasi magulo na ‘yon, e. Doon na lang ako sa medyo ano ko for the safety lang ni Angge,” sabi ni Tekla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, siniguro naman ni Donita Nose na sa abot ng kanyang makakaya ay itatama niya ang kaibigan kapag may mga ginagawang hindi maganda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending