Sitti nakatanggap ng bagong himala; Nikki Gil buntis sa ika-2 baby Bandera

Sitti nakatanggap ng bagong himala; Nikki Gil buntis sa ika-2 baby

Ervin Santiago |April 19,2021
share this

Sitti nakatanggap ng bagong himala; Nikki Gil buntis sa ika-2 baby

Ervin Santiago | April 19,2021 - 09:28 AM

TULUY-TULOY pa rin ang pagdami ng bilang ng mga kilalang celebrities na nabubuntis ngayong panahon ng pandemya.

Nadagdag sa listahan ng mga pregnant artists ngayong first quarter ng 2021 ang singer-actress na si Nikki Gil at ang Bossa Nova Queen na si Sitti.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng TV host-actress na si Nikki ang good news — buntis na nga uli siya sa second child nila ng asawang si BJ Albert.

Nag-post si Nikki ng litrato niya sa IG kasama ang panganay na anak kung saan kitang-kita na ang kanyang baby bump. Aniya sa caption, “Ready, Kuya Finn?”

Bumuhos naman ng pagbati sa comment section ng post ni Nikki mula sa kanyang followers at ilang kaibigan sa showbiz.

“Nikoooooooy!!!! Congrats!!!” mensahe ni Luis Manzano sa kanyang kaibigan.

“Oh em!!!! Congratulations!!!!” sabi naman ni Iya Villania.

Ang iba pang na-excite sa muling pagbubuntis ng Kapamilya host ay sina Marian Rivera, Mariel Rodriguez, Pauleen Luna, Ciara Sotto, Kaye Abad, Rica Peralejo, Andi Eigenmann, Cheska Kramer at marami pang iba.

Ikinasal sina Nikki at BJ noong 2015 na ginanap sa garden ng Sta. Elena Golf and Country Club sa Laguna. Isinalang naman ang panganay nilang si Finn noong November, 2017.

* * *

Isang “miracle baby” naman kung ituring ng OPM artist na si Sitti ang ipinagbubuntis niya ngayon.

Sa kabila kasi ng pagkakaroon ng polycystic ovary syndrome (PCOS) at antiphospholipid syndrome (APAS), biniyayaan pa rin sila ng asawang si Joey Ramirez ng bagong blessing — ang kanilang second baby.

In-announce ni Sitti sa Instagram ang good news sa pamamagitan ng pagpo-post ng litrato nila ng mister kasama ang unang anak na si Lily.

“Our pasalubong from Bacolod. Our surprise gift from the Lord. I have PCOS and APAS; conceiving is not the easiest. Thank You Jesus for entrusting us with another miracle,” sey niya sa caption.

Ayon sa Bossa Nova singer, three months na ang sanggol sa kanyang sinapupunan at inaasahang magsisilang sa October, 2021.

Nakilala si Sitti sa ilang original at cover Bossa Nova hits kabilang na riyan ang “Para Sa Akin,” “Tattooed on my mind,” “Hey Look at the Sun,” and “I Didn’t Know I Was Looking for Love,” at marami pang iba.

Naging bahagi rin siya ng A.S.A.P. Sessionistas kasama sina Ice Seguerra, Richard Poon, Juris, Nyoy Volante, Princess Velasco, Kean Cipriano at Duncan Ramos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending