Regine, Ogie, Jolina, Mark naturukan na rin ng COVID-19 vaccine sa QC | Bandera

Regine, Ogie, Jolina, Mark naturukan na rin ng COVID-19 vaccine sa QC

Ervin Santiago |April 18,2021
facebook
share this

Regine, Ogie, Jolina, Mark naturukan na rin ng COVID-19 vaccine sa QC

Ervin Santiago - April 18, 2021 - 04:02 PM

NADAGDAG ang pangalan ng Kapamilya couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa mga celebrities na naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Masayang ibinalita ni Ogie sa kanyang mga tagasuporta at Instagram followers na naturukan na sila ng kanyang misis ng bakuna kontra-COVID kahapon.

Ipinost pa niya ang litrato nila ni Regine habang binabakuhan at aniya sa caption, “Kaming mag asawa ay may co momorbidity (sic) kaya nakakuha po kami sa qc ng slot at kami ay napabakunahan na.”

Nanawagan din ang singer-songwriter sa lahat ng Quezon City residents na magpabakuna na rin kung may pagkakataon at kung qualified nang tumanggap ng first dosage ng vaccine.

“Sa mga taga QC, download po natin ang EZ consult app para maka rehistro na po tayo at antayin natin ang abiso sa email natin. Ty QC gov’t. God bless us all,” sey ni Ogie.

Bukod kina Ogie at Regine, ang dalawa pa sa mga local celebrities na naturukan na rin ay ang mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta.

Ani Jolens, nag-register sila sa EZ Consult app ngunit hindi niya binanggit kung paano sila naging qualified para makakuha agad ng COVID-19 vaccine.

“Prayed for this for so long. Madali lang kami ni Mark nakapag register ng account sa eZConsult app at mula doon follow lang ang instructions,” post ni Jolina.

“Thank you sa LGU ng Quezon City at sa lahat ng nagfacilitate kanina sa Batasan National Highschool,” aniya pa.

Ang iba pang artistang nabakunahan na ay sina Mark Anthony Fernandez, Ogie Diaz at Coney Reyes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending