Angeline nagbigay ng 5 tips para sa paglaban sa COVID: Nakaisip ako ng meaning ng ANGGE! | Bandera

Angeline nagbigay ng 5 tips para sa paglaban sa COVID: Nakaisip ako ng meaning ng ANGGE!

Ervin Santiago - April 18, 2021 - 09:36 AM

“ANGGE!” Yan ang Acronym na ibinigay ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto sa lima niyang tips na maaaring gawin ng mga taong tinamaan ng COVID-19.

In fairness, talagang naikonek pa ng dalaga ang naging journey niya sa mahigit dalawang linggo ring pakikipaglaban sa killer virus ang kanyang palayaw na Angge.

Sa isa niyang vlog, ipinakita ng “Huwag Kang Mangamba” actress kung anu-ano ang mga ginawa niya habang nagpapagaling, “Ito guys ‘yung mga kailangan kong gamot at vitamins kumpleto ‘yan. If ever ubuhin ako o sipunin may gamot. Ito ‘yung mga vitamins na tini-take ko every day.

“Tapos ‘yung mga kailangan ko if mag-check ako ng temperature ko at oxygen. Pero at least kumpleto at naka-ready anytime,” chika pa ng biriterang singer. Aniya pa, sinubukan din niya ang “suob” kung saan pinalalanghap ng usok mula sa mainit na tubig na may asin.

Bukod sa mga gamot at iba pang ritwal, regular ding uma-attend ng online Holy Mass ang dalaga at nakikipag-video call sa mga kapamilya at kaibigan.

Matapos ang kanyang 14-day quarantine, ibinalita rin ni Angge na negative na ang resulta ng kanyang COVID-19 test.

“Maraming salamat sa mga dumamay sa akin, sa mga sumama sa akin dito sa COVID-19 journey ko, sa lahat ng mga araw-araw nangungumusta, nagpapadala ng pagkain, napakaraming tao talaga ang nagpakita talaga ng pagmamahal dahil sa pinagdaanan ko,” mensahe ng dalaga sa lahat ng nagmamahal sa kanya.

Sa bandang huli ng kanyang YouTube vlog, ibinahagi ng ni Angeline ang limang tips para sa paglaban sa COVID-19 — at tinawag nga niya itong “ANGGE”.

“Sa tagal kong nandito nakaisip na ako ng meaning ng ANGGE!

“A – Always check your oxygen level, temperature, and hygiene.

“N – No to stress and worrying.

“G – Get enough sleep ang rest. Importante pa rin po na nakakatulog tayo nang maayos.

“G – Get in touch with a doctor, and also your family and friends.

“E – Eat healthy fruit and vegetables.”

Pero aniya, ang pinakamakapangyarihan pa rin sa lahat ay ang pananampalataya at pagdarasal sa Diyos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bukod diyan ang pinakaimportante, huwag nating kalilimutan lahat, ang pagdadasal. ‘Yan ang pinakamagiging sandata natin sa sakit na ‘yan,” pahayag pa ni Angeline.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending