Sandra Cam, anak kakasuhan sa pagpatay sa Masbate vice mayor | Bandera

Sandra Cam, anak kakasuhan sa pagpatay sa Masbate vice mayor

Jan Escosio - April 17, 2021 - 08:05 PM


Naniniwala ang Department of Justice o DOJ na may sapat na basehan para sampahan ng kaso si Philippine Charity Sweepstakes Office Board Member Sandra Cam at ang kanyang anak kaugnay sa pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III noong 2019.

Kasong murder ang kakaharapin ni Cam at anak nitong si Marcon Martin dahil sa pagpatay kay Yuson, samantalang karagdagang kaso naman dahil sa bigong pagpatay kay Alberto Alforte IV.

Bukod sa mag-ina, ayon sa Office of the Prosecutor General, kasama rin sa mga nakasuhan sina Nelson Cambaya, June Gomez, Bradford Solis, Juanito De Luna at Rigor Dela Cruz.

Una na ring nagsampa ang National Bureau of Investigation o NBI ng mga katulad na kaso laban sa mag-ina at lima pang suspek noong Pebrero 2020.

Magugunitang pinagbabaril hanggang mapatay si Yuson habang ito ay nag-aalmusal kasama sina Alforte at Wilfredo Pineda noong Oktubre 10, 2019 sa Sampaloc, Maynila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending