Maja, Empoy sumabak sa 'Totropahin, Jojowain o Jojombagin' challenge; Ted, Karen, Kakai damay | Bandera

Maja, Empoy sumabak sa ‘Totropahin, Jojowain o Jojombagin’ challenge; Ted, Karen, Kakai damay

Reggee Bonoan |April 15,2021
facebook
share this

Maja, Empoy sumabak sa ‘Totropahin, Jojowain o Jojombagin’ challenge; Ted, Karen, Kakai damay

Reggee Bonoan - April 15, 2021 - 05:49 PM

RIOT palang magsama sina Empoy Marquez at Maja Salvador sa TV series na “Niña Niño” na kasalukuyang napapanood sa TV5 mula sa Cignal Entertainment, line-produced ng CS Studios at Spring Films at idinirek ni Thop Nazareno.

Likas na komedyante si Empoy at si Maja naman ay may tago rin palang husay sa pagpapatawa. Nasanay kasi tayong laging heavy drama ang mga serye ng aktres kaya inakala ng iba na hindi nito kayang magpatawa.

Tawang-tawa kaming mag-isang nanonood ng “Jojowain, Totropahin at Jojombagin” challenge nina Empoy at Maja habang naka-break sila sa taping ng kanilang serye na ang background ay mga puno at halaman.

Si Maja ang guest ni Empoy sa kanyang YouTube Channel, “Yan ang gusto niya jojowain at jojombagin para bago kasi marami nang gumawa, ito binago mo, jojowain o jojombagin?” tanong ng aktres sa katambal.

“Puwede namang jojowain, totropahin o jojombagin,” sagot ng aktor.

Lunch break ang lahat ng staff pero nanonood sila sa kinukunang vlog ng dalawa, “Bakit ang dami ninyo rito guys?” tanong ni Empoy.

“Break po namin ginawa ito kaya ‘wag po magagalit ang mga producer,” sabi naman ni Maja.

Tanong ni Empoy kay Maja kung ano ang tingin nito kay Zanjoe Marudo pero dinugtungan ng Yllana. Natawa ang aktres, “Anjo Yllana ‘yun. Si Zanjoe? Dude ko ‘yun, eh. Totropahin ko.”

“Bakit mo gustong tropahin si Zanjoe?” balik-tanong ni Empoy.

“E, kasi gusto ko siyang tropahin kasi tropa ko talaga siya,” giit ni Maja.

Tanong ni Maja sa komedyante, “Jojowain, totropahin o jojombagin, Binibining Joyce Bernal?”

Humagalpak nang todo ang dalawa lalo na si Empoy, “Love you direk.  Bakit ba kasi ‘yun ang tanong mo?” sabi nito kay Maja.

“Bakit masama ang tanong ko? May freedom tayo kung sino ang mga gusto nating banggitin,” katwiran ng aktres.

“At kailan ka pa naging aktibista?” sagot ni Empoy. Sabay sabing, “Totropahin tapos totropahin ulit. Ha-hahaha! Tropa naman talaga natin si direk Joyce. I love you direk.”

Si Ted Failon ang sumunod na pangalang binanggit ni Empoy kay Maja, “Ha-hahaha! Siguro totropahin ko. Alam mo kung bakit para mas informed ako sa mga nangyayari sa buong mundo.”

Totropahin din ang sagot ni Empoy kay Karen Davila, “Siyempre news anchor para kahit saan ako magpunta, namo-monitor niya ako.” Tawang-tawa rin si Maja kaya binatukan ang komedyante.

Jojombagin naman ang sagot ni Maja kay Carlos Agassi, “Jojombagin kasi ang laki ng katawan niya so baka puwedeng workout (ko) pa.”

Sagot ni Empoy kay Kakai Bautista, “Tinatanong pa ba ‘yan, totropahin ko saka ko jojowain tapos jojombagin ko na kasi dati siyang boksingera, may mouthpiece, eh.”

Tawang-tawa ang lahat ng nasa paligid pati si Maja kaya binatukan na naman si Empoy. “Mahal ko ‘yan, I love you Kakai,” bawi ng aktor.

Tawang-tawa ulit si Maja dahil mali ang pagkakabanggit ni Empoy sa pangalan ni Hugh Jackman na naging Hug, “Jojowain ko siya.”

Sunod na sinabi ni Maja ang pangalan ni Dua Lipa at sagot ni Empoy, “Sino ba ‘yun?”

Sabay kanta ni Maja ng isa sa hit song ng Grammy awardee, “Guys hindi niya kilala si Dua Lipa. O sige si Gabriela Silang na lang.”

“Totropahin para ipagtanggol niya ako sa sarili kong bayan,” sagot ng aktor.

Totropahin din ang sagot ni Maja kay Willie Revillame. Pero kung naging babae raw si Empoy, “Jojowain siyempre para maganda ‘yung house ko (tawa nang tawa si Maja), tapos may chopper ako tapos meron akong mga yate.  I love you Kuya Wil!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasunod nito, bigla silang sinenyasan na “take” na kaya pinutol muna ng dalawa ang challenge, “Ipagpapatuloy po ulit mamaya at may dagdag na, uutangan,” sabi ni Empoy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending