Gabbi humingi ng advice kina Julie, Ann, Barbie at Kyline; Cherie bugaw na ina sa #MPK | Bandera

Gabbi humingi ng advice kina Julie, Ann, Barbie at Kyline; Cherie bugaw na ina sa #MPK

Ervin Santiago - April 14, 2021 - 09:38 AM

NAGPA-SNEAK peek si Gabbi Garcia sa kanyang latest vlog ng kanilang locked-in taping para sa “Love You Stranger” noong March bago nag-declare uli ng enhanced community quarantine ang pamahalaan.

Treat ito ng Kapuso actress-host-vlogger sa mga fans na sobrang excited na sa kanyang nalalapit na GTV mini-series kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos.

Ayon kay Gabbi, sobrang similar daw ng fashion style niya sa kanyang character sa series, “The whole look of my character for Love You Stranger is very close to my fashion style.

“More on flowy dresses, very feminine. Very white and pastels. I’m excited to dress up for my character,” pahayag ng dalaga.

Isang production designer kasi ang role niya sa serye kaya naman daw “on-the-go’ shoes ang mga gagamitin niya para rito.

Bago ang kanilang taping, humingi raw si Gabbi ng advice mula sa “All-Out Sundays” co-stars niya na sina Kyline Alcantara, Julie Anne San Jose at Barbie Forteza kung ano ba ang mga dapat dalhin sa set dahil naranasan na nga ng mga ito ang lock-in taping.

“It’s my first time to experience this kind of taping. It’s kind of new so I’m a bit nervous. I don’t know if I’m overpacking or I’ve underpacked.
“I asked Kyline, I asked Julie and Barbie what are the right things to bring,” chika ni Gabbi sa kanyang vlog.

Abangan ang “Love You Stranger,” starring Gabbi Garcia and Khalil Ramos sa GTV!

* * *

Ngayong Sabado (April 17), kakaibang pagganap ang masasaksihan mula kina Cherie Gil at Gabbi Garcia sa nakakaantig na episode ng real-life drama anthology na “Magpakailanman.”

Dahil sa kahirapan at kagustuhang itaguyod ang pamilya, kakapit sa patalim si Magda (Cherie) at ibubugaw ang kanyang dalagitang anak na si Pia (Gabbi) sa iba’t ibang lalaki.

Susuwertehin sila sa pagdating ni Ramon (Leo Martinez), isang mayamang lalaki na mamahalin si Pia at sasagutin pa ang pag-aaral ng dalaga at mga kapatid niya.

“Sa kasamaang-palad ay magbubunga ang relasyon nina Pia at Ramon at hihikayatin ng lalaki na ipalaglag ang bata dahil may sarili na siyang pamilya.

Tutulad nga ba si Pia sa kanyang ina na kinayang ipahamak ang sariling anak?

Kasama rin sa episode na ito sina Phytos Ramirez, Gilleth Sandico, Kenneth Paul Cruz, Lindsay De Vera, Sean Rose, Citadel Mariano at Mimi Juareza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palalampasin ang natatanging pagganap nina Cherie at Gabbi sa episode na pinamagatang “Ina Ko, Bugaw Ko” ngayong Sabado, 8 p.m. sa #MPK ng GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending