Hipon Girl 'nabudol' ni Alex, nag-iiyak nang bilhan ng branded bag at sapatos | Bandera

Hipon Girl ‘nabudol’ ni Alex, nag-iiyak nang bilhan ng branded bag at sapatos

Ervin Santiago |April 12,2021
facebook
share this

Hipon Girl ‘nabudol’ ni Alex, nag-iiyak nang bilhan ng branded bag at sapatos

Ervin Santiago - April 12, 2021 - 12:07 PM

IYAK nang iyak si Harlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl” nang bilhan siya ng branded bag at sapatos ni Alex Gonzaga kamakailan.

Ngunit bago pa mapasakanya ang mga mamahaling gamit nabiktima muna siya ng nakakalokang prank ng TV host-actress at vlogger.

Sa isang vlog ni Alex, mapapanood kung paano niya pinagtripan si Harlene na nagsimula nang imbitahan niya ito sa kanilang bahay sa Rizal para raw mag-swimming.

Ngunit na-shock nga ang co-host ni Willie Revillame sa “Wowowin” nang sabihin ni Alex na pupunta sila sa mall para ibili siya ng sapatos at bag.

Kitang-kita ang excitement sa mukha ni Hipon habang nasa sasakyan sila ni Alex kasama ang ina nitong si Mommy Pinty Gonzaga.

Biniro pa nga niya si Alex kung pwede niyang ibenta ang bibilhin nilang branded stuff sakaling magipit siya.

“Kapag kinakain na ng big intestine mo yung small intestine mo, pwede mo nang ibenta,” birong tugon naman sa kanya ni Alex.

Makikita sa video ang pagpasok nila isang shop ng Rolex kung saan pinasukat pa ni Alex si Harlene ng isa sa mga relo na naka-display na  nagkakahalaga ng mahigit P600,000.

Sumunod naman ang pagpasok nila sa Gucci store kung saan sinabihan ng TV host-actress si Hipon na pumili ng bag na nasa P125,000 at sapatos na talaga namang ikinatuwa ng dalaga.

Habang nagbabayad sa counter si Alex, hindi na napigilan ni Harlene ang mapaiyak dahil sa mga regalo sa kanya.

“Hindi ko akalain na magkakaganyan ako. Pag yumaman ako te, babayaran ko sa ‘yo yan,” promise ni Harlene kay Alex.

“Deserve mo yan kasi nagtatrabaho ka para sa pamilya mo. Yung mga gusto mong bilhin, dapat nakabili ka na niyan sa laki ng kinita mo pero di ka nakabili kasi inuna mo yung family mo,” sagot sa kanya ng misis ni Mikee Morada.

At nang makalabas na sila ng shop, sinabihan ni Alex si Hipon nang palihim na sumobra sila sa budget (umabot daw sa P150,000) kaya nakiusap sila kung pwedeng bayaran muna niya yung kulang.

Sabi ni Hipon, ibabalik na lang daw niya ang mga nabili nila o kung pwedeng palitan ng mas mura pero sabi ni Alex huwag daw dahil baka makasira lang ito sa image nila bilang mga artista.

Habang umiiyak, tumawag ang dalaga sa isa niyang kaibigan at nag-try manghiram ng pera. Sabi naman niya kay Alex  “Ayoko na ng Gucci, te.”

Nang hindi na tumigil sa pagluha si Hipon, inamin na nina Alex na prank lang ang paniningil sa kanya at talagang para sa kanya ang kanilang mga ipinamili.

Ipinost naman ni Hipon sa kanyang social media account ang link ng nasabing vlog kung saan nagkomento pa si Alex ng, “Sana nasa yo pa rin yan at di mo nabenta sa Facebook! Hahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot naman ni Harlene sa kanya,  “Pag gipit walang sisihan. Hahaha! Joke lang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending