Relasyon nina Luis at Jessy bilang mag-asawa magkakaproblema dahil sa... Bandera

Relasyon nina Luis at Jessy bilang mag-asawa magkakaproblema dahil sa…

Reggee Bonoan |April 08,2021
share this

Relasyon nina Luis at Jessy bilang mag-asawa magkakaproblema dahil sa…

Reggee Bonoan | April 08,2021 - 07:33 PM

SA Disyenbre 2, 2021 na nga ba magaganap ang second wedding nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na gaganapin sa Palawan?

Ito ang paniniwala ng netizens sa nakita nilang mga numerong naka-engrave sa wedding ring ni Jessy na may 7 pink diamonds na may mga letra at numero (Matthew 19:6 at 12-2-21).

Ipinost kasi ni Jessy sa kanyang Instagram ang wedding band nila ni Luis at nagpasalamat sa gumawa nito.
Ang caption ng aktres, “All of our rings were made by @maniladiamondstudio. They pitched the idea of adding pink diamonds on my wedding band.

“Thank you @maniladiamondstudio for coming up with a beautiful design that would complement my engagement ring. Can you see the engraving?”

Isang verse sa Holy Bible ang Matthew 19:6 na ang sabi’y, “So they are no longer two, but one flesh. Therefore, what God has joined together, let no one separate.”

Ang 12-2-21 ay nabanggit ng netizens na, “Bible passage & wedding date ang naka-engraved.”

Ayon naman sa isang netizen, “I thought Feb. 21 kayo ikinasal? Baka ‘yan ang date ng bonggang kasal?”

Samantala, may mga sapantaha ang netizens na kapag hindi pareho ang wedding band ay magkakaproblema sa pagsasama.

“’Pag ‘di raw the same ang wedding band, ‘di magla-last forever ang marriage,” ayon kay @lecakum.

Hindi naman kami naniniwala dahil marami kaming kakilala na hindi pareho ng wedding band ay umabot naman na sa golden anniversary and counting.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending