Outbound passengers sa mga pantalan, umaabot sa 15,000 | Bandera

Outbound passengers sa mga pantalan, umaabot sa 15,000

- April 03, 2021 - 06:44 PM

Tuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bilang ng mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2021.

Batay sa monitoring ng PCG, nakapagtala ng kabuuang 14,954 na outbound passengers sa mga pantalan habang 12,463 inbound passengers.

Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Sabado (Abril 3).

Nasa 1,994 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.

Base pa sa datos, 188 ang inspected vessels at 286 ang inspected motorbancas.

Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

Maliban sa maritime security at maritime safety, umaasiste rin ang PCG sa istriktong implementasyon ng health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending