Gerald nakipagtulungan sa Coast Guard at Star Magic para sa pamimigay ng laruan sa Aeta community
TULUY-TULOY pa rin ang ginagawang charity projects ng Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson para sa kapuspalad nating mga kababayan.
Nitong nagdaang araw, in-announce ang bago niyang donation project sa pakikipagtulungan ng Star Magic at Philippine Coast Guard, ang “OPERATION: MAGIC”.
Sa pamamagitan ng naturang charity work, mabibiyayaan ang ilang kabataang miyembro ng Aeta community ng iba’t ibang klase ng mga laruan.
Nagsimula ang toy drive nitong nagdaang September 25 at tatagal hanggang September 30, base na rin sa social media post ng Star Magic.
Sa mga nagnanais mag-donate ng mga toys, maaaring magtungo sa The Th3rd Floor Gym, 42-A Samat St., Sto. Domingo, Quezon City, from 7 a.m. to 10 p.m..
“Looking forward to your donations, Kapamilya! Let’s all work together FOR A CAUSE, especially with the season of giving (Christmas tree emoji) fast approaching,” ang mensahe pa ng talent management ng ABS-CBN.
View this post on Instagram
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakipag-partner sa Philippine Coast Guard si Gerald para matulungan at mapasaya ang Aeta community.
Baka Bet Mo: Beatrice Gomez naghahanda na para sa pagpasok sa showbiz; tutuparin din ang pangarap na Master’s degree
Last December, 2022, pinangunahan din ng boyfriend ni Julia Barretto ang outreach program ng Philippine Coast Guard para sa Aeta community sa kanyang campsite sa Zambales.
“Mission Complete – Outreach program with @coastguardph for the Aeta Community in Zambales. Thank you @theth3rdfloor Toy Drive & Commodore Jimmy Cheng of the Executive PCGA .. Base Camp @hayati_riverkampsite,” ang ipinost ng aktor sa Instagram.
Matatandaang nag-join at nakumpleto ni Gerald ang training sa PCG noong 2019, kung saan nabigyan siya ng rank as Private.
Nakasabay niya sa naturang military training ang mga kapwa niya aktor na sina Elmo Magalona, Nash Aguas, Yves Flores, at Jerome Ponce.
Samantala, anytime soon ay sasabak na sa shooting ang aktor para sa bago niyang pelikula, ang Pinoy adaptation ng Korean romantic comedy film na “All About My Wife.”
Makakasama niya rito sina Jennelyn Mercado at Sam Milby, mula sa CreaZion Studios. Ito ang magsisilbing reunion project nina Gerald at Sam, pagkatapos nilang magbida sa Kapamilya series na “A Family Affair” noong 2022.
Gerald Anderson tuloy-tuloy ang ‘role’ bilang sundalo; pinasaya ang Aeta community sa Zambales
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.