Ion kay Vice: Iingatan ko ang puso mo hanggang sa huli...basta mahal kita, sagaaaad! | Bandera

Ion kay Vice: Iingatan ko ang puso mo hanggang sa huli…basta mahal kita, sagaaaad!

Ervin Santiago |March 31,2021
facebook
share this

Ion kay Vice: Iingatan ko ang puso mo hanggang sa huli…basta mahal kita, sagaaaad!

Ervin Santiago - March 31, 2021 - 05:19 PM

MULING ibinandera ng hunk actor-model na Ion Perez ang kanyang pagmamahal sa TV host-comedian na si Vice Ganda.

Ngayong araw, March 31, nagse-celebrate si Vice ng kanyang 45th birthday at bilang isa sa kanyang mga regalo, nag-post si Ion ng madamdaming mensahe para sa kanyang partner.

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinagsigawan ng binata sa buong universe kung gaano niya kamahal ang TV host.

Nag-post si Ion ng swimsuit photo ni Vice na kuha nang magbakasyon sila sa Amanpulo noong February, 2020. Aniya sa caption, “Happy birthday, tuy! I love you sooo mucccch!”

Sa sumunod niyang mensahe, sinabi ng binata na wala siyang pinagsisisihan sa naging desisyon niya na aminin sa madlang pipol ang kanilang relasyon at ipagsigawan sa buong mundo ang kanyang pagmamahal.

“Sa bawat umagang dumidilat ang mga mata ko na ikaw ang unang nasisilayan, walang pagsisi na ikaw ang aking lubos na minahal at mamahalin pa!

“Lagi kong sinasabi sayo hangga’t kaya kong ingatan ang puso mo iingatan ko hanggang sa huli. Mahal na mahal kita tuy!” pahayag pa ni Ion para kay Vice.

Sa isa pa niyang IG post, ibinahagi rin ng binata ang isang video na naglalaman ng sweet moments nila ni Vice na may nakasulat na, “Basta mahal kita sagaaaad!”

Kinunpirma ng celebrity couple ang kanilang relasyon sa isang episode ng “It’s Showtime” noong October, 2019. Last year, isang bonggang celebration ang naganap para sa kanilang second anniversary na ginanap pa sa isang theme park.

Sa isang vlog, tinanong si Vice kung papipiliin siya ngayon, ano ang mas priority niya career o love life? “Since na-enjoy ko na ng bongga ang career ko, gusto ko ma-enjoy ang love life ko ngayon. Pipiliin ko ang lovelife.”

Ano ang magiging matinding dahilan na maaaring  makapagpahiwalay sa kanila ni Ion, ani Vice, “Kapag ayaw na namin. ‘Yun ang pinakaposible. Pero ang imposible pero rukrukan na ‘yon na maghihiwalay kami kapag nagbubugbugan na kami, ‘yung pisikal na sakitan, hindi talaga puwede. Ayaw niya rin ng ganoon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending